^

PSN Opinyon

Matalino man ang matsing napaglamangan din

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
MUKHANG naisahan ang mga bright boys ni Madam Senyora Donya Gloria nang sila mismo ang umamin na meron ngang voice tape at matindi nito sila pa ang naglabas ng naturang voice tape.

Ang naturang "fake" na voice tape ayon kay Presidential Spokesperson Ignacio "Toting" Bunye ay patunay daw na ebidensiya ng pandaraya ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria noong 2004 eleksyon.

Ang ilang portion ng tape ay merong tungkol sa pag-uusap ni Madam Senyora Donya Gloria at ni Comelec Commissioner Virgilio "Garce" Garcellano.

May portion naman nito ay ang pag-uusap ni Garce muli at ni Sir Senyor Don JOSE Miguel Arroyo.

Meron naman ay ang pag-uusap ni Garce na naman at ni dating Sen. Roberto Barbers at meron pang sa pagitan din ni Garce at ng isang Ruben.

Hindi lang isang beses ang pag-uusap ni Garce at ni Madam Senyora Donya Gloria, gayundin ang kay Garce at kay Sir Senyor JOSE Miguel Arroyo.

Base po sa narinig natin, oo inamin kong narinig na natin ang tape na sinasabi, ay malinaw na pinag-uusapan ni Madam Senyora Donya Gloria at ni Commissioner Garcellano kung paano palalakihin ang lamang ni Madam ng mahigit isang milyong boto.

"Oho, pipilitin ho natin yan, pero as of the other day its 982 (thousand)," ito ho ang sagot ni Commissioner Garcellano sa sinabi ni Madam Senyora Donya Gloria na "it could not be less than one million."

Mahaba ho ang buong tape na umaabot daw ng mahigit tatlong oras pero ang narinig nating mahigit kalahating oras lamang, samantalang ang version naman ng Malacañang na ayon sa kanila ay orihinal ay mas maikli.

Hindi ho tayo eksperto riyan pero ngayong nilabas na ng mga kaalyado ni Madam Senyora Donya Gloria ay nabuksan ang pinto upang iparinig sa sambayanan ang mga naturang voice tapes.

Kung dati-rati malamang hindi mailabas ng oposisyon dahil may anti-wire tapping law nga tayo, ngayon komo Malacañang na nga ang naglabas ay tama agad ang kinilos ni Sen. Aquilino "Nene" Pimentel na nagsasabing dapat magkaroon ng imbestigasyon.

Dapat ding iparinig ang magkabilang tape at pabayaang ang publiko ang humusga. Hindi naman bobo ang sambayanan at karapat-dapat lang na malaman ang katotohanan lalo na at napaka-seryoso ng nilalaman ng naturang mga tapes.

Mukhang na realized din ng Malacañang ang kanilang pagkakamali dahil biglang hirit noong Martes si Raul Gonzales, ang Justice Secretary na hindi na naman lumusot sa Commission on Appointment, na kakasuhan daw at ipakukulong ang sinumang may kopya at magpaparinig ng naturang mga tapes.

He-he-he!!! Ito talagang si Raul at nais talagang mabigyan ng panibagong appointment ay naghahabol at nagsisipsip gaya na lang ng pananakot niya sa mga jueteng whistle blower.

Anyway, problema ngayon ng Malakañang, lahat ngayon gustong marinig ang naturang mga tapes at halos lahat ng nakausap natin na narinig na ang tapes ay sinasabing naniniwala silang nag-uusap nga talaga itong si Garce, Madam Senyora Donya Gloria at si Sir Senyor Don JOSE Miguel Arroyo.

Mukhang pumasok sa patibong at sa taranta, tuliro o hilo, nag-react pero mali. He-he-he!!!

Sabi nga nila, MATALINO MAN ANG MATSING NAPAGLALALANGAN DIN!!!
* * *
Nabasa ho natin ang tungkol sa lolo nitong si Sir Senyor Don JOSE Miguel Arroyo na si Mariano PIDAL Arroyo na sinibak ng American Governor General Dwight F. Davis bilang gobernador ng Iloilo noong American occupation dahil sa proteksyong binibigay sa jueteng.

Binulgar si Governor Arroyo na kapatid ni JOSE PIDAL Arroyo ni Eugenio Lopez Sr., ang Lolo naman ng pamilya Lopez ngayon na nagmamay-ari ng ABS-CBN sa pahayagang El Tiempo nuong 1930.

Gumanti si Arroyo at dinemanda pa ng libelo ang El Tiempo pero nakarating ang balita sa Manila kaya nagpadala ng imbestigador itong si Davis sa katauhan ni Judge Manuel Moran.

Natuklasan ni Moran na naging Chief Justice ng Supreme Court na totoo lahat ang nilabas ng El Tiempo at nabuking pa na meron pang pasugalang inooperate si Arroyo para mag-ipon ng perang gagamitin sa kampanya noong 1931.

Si Moran nga pala ang lolo naman ni Margie Moran Floirendo, isa sa naging Miss Universe at kilalang tagapagtaguyod ng turismo sa Mindanao.

Dahil diyan, inutos ni Gov. Davis ang pagsibak kay Arroyo noong October 7, 1930 dahil sa corruption.

Totoo kaya ang kasabihang KUNG ANO ANG PUNO SIYA ANG BUNGA o MAGBUBUNGA BA NG MANGGA ANG SANTOL?

Kayo po padala n’yo ang sagot sa 09272654341.
* * *
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa [email protected] o [email protected] o ’di kaya’y mag text sa 09272654341. Mapapakinggan n’yo rin po ang inyong lingkod sa MATA NG AGILA sa DZEC 1062 mula 6:15 hanggang 8:30 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.

ARROYO

COMMISSIONER GARCELLANO

DONYA

EL TIEMPO

GLORIA

MADAM

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

MIGUEL ARROYO

SIR SENYOR DON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with