Mga 'multo' sa GSIS 'ine-exorcise' ni GM Garcia
June 9, 2005 | 12:00am
UMAMIN si GSIS General Manager Winston Garcia na nagkaroon ng mahigit isang milyong "ghost members" ng GSIS na humuthot sa pondo pero non-existent naman. "Kahit akoy nadismaya sa nadiskubre ko," ani Winston na naging kontrobersyal dahil sa mga anomalya sa GSIS.
Aniya, naging sentro siya ng demolition job ng mga sindikato sa loob ng paseguruhan dahil sa mga repormang pinasimulan niya para mawala ang mga "ghost members." Nang gawing computerized ang GSIS, lumitaw na 1.3 milyon lang ang lehitimong kasapi sa GSIS at hindi 2.7 milyon. Nakakadismaya talaga. Bawas nang bawas sa sahod ng mga empleyado, yun palay swak sa bulsa ng mga limatik sa GSIS!
Dapat nang tanggalan ng maskara ang mga taong nasa likod ng sindikato at pormal na kasuhan para mapatunayan lalo ni Winston ang kanyang sinseridad at siyay talagang biktima lang ng paninira. Na may mga gustong mawala siya sa kanilang daan para maipagpatuloy ang buktot na layunin. Sabagay, nangunguna ang GSIS sa mga korporasyon ng gobyerno na may magandang performance nung isang taon dahil umani ng P36.6 bilyong revenue, P308.6 bilyong asset at nakapagbayad ng claims sa mga miyembro na P29.1 bilyon. Bago ipinatupad ang reporma, ang GSIS ay may deficit na P25 bilyon sa pagpasok ng taong 2000.
Kung maraming ingay lalo na sa Kongreso laban sa GSIS, malamang itoy kagagawan ng mga taong nasagasaan ni Winston. Isang anggulo pa ang tinitingnan sa paninira sa GSIS. Ito ang pagkakaroon ng dalawang board seat sa Equitable Bank na ibig mapasakamay ng ilang swapang. Tinatarget talaga ang mga GOCC na may exposure sa mga pribadong kompanya. Pati tuloy si Finance Secretary Purisima ay umeeksena. Gusto ni Purisima na pangunahan ng GSIS ang pagbuo ng minority shareholder association sa mga nasabing kompanya upang protektahan ang interes ng gobyerno at taumbayan laban sa mga dayukdok na negosyante.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest