^

PSN Opinyon

Medical mission

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
BILANG mga tagasunod ni Jesus, sa pamamagitan ng pagkabinyag sa atin, naiatang sa ating mga balikat ang tungkuling palaganapin ang paghahari ng Diyos, pagpapalayas ng mga demonyo at pagpapagaling ng mga maysakit. At sa ating pag-aaral sa buhay ni Jesus, ang pagpapalaganap ng paghahari ng Diyos ay maisasaganap sa pagtupad ng pinakamahalagang utos: Ang mahalin ang Diyos at ang ating kapwa gaya ng pagmamahal sa ating sarili. Samantalang ang pagpapalayas naman ng mga demonyo ay hindi lamang sa pang-espiritwal na kaparaanan kundi pati na rin sa mga "demonyong" umiiral sa lipunan – tulad ng kahirapan, kabulukan, karahasan, kawalang-katarungan at iba pa. Sa pagpapagaling naman ng maysakit, nandiyan ang pagpapagaling sa pisikal, sikolohikal at espiritwal na mga karamdaman.

Ang huli nga, ang pagtulong sa pagpapagaling ng maysakit, ang isinagawa ng aming samahang AKKAPKA-CANV sa Alabat, Quezon noong Mayo 31. Sa tulong ng wholistic therapist at lisensiyado ng Department of Health (DOH) na si Gng. Myrna Belen, naisaganap namin para sa taong ito ang medical mission, o libreng pagkunsulta at pagpapagamot, sa naturang bayan.

Sa pamamagitan ng alternatibong kaparaanan ng pagpapagaling, ang mga maysakit na walang ibayad sa doktor ay nabigyan ng pagkakataon upang magkaroon ng kalunasan ang kanilang mga sakit sa katawan, ganoon din ang magkaroon ng impormasyon sa mga wastong kaparaanan ng pag-aalaga ng sariling katawan at pagpapagaling ng karamdaman na ang gamit ay ang mga tradisyonal o alternatibong therapy.

Ang naturang medical mission ay naisaganap sa pamamagitan din ng tulong ng aming mga therapists na sina Reniel Aquino, Willy Manaog, Yollie Quilbio, Rose Caparros, Felix Villanueva at ng aming Director na si Dr. Tess Ramiro. Umalalay din sina Lito Magat, Sanny Tuazon, Margie Roldan, Carmen Enriquez, Cleo Ursolino, Etchie Aceron at Lydia Olivera.

Nais ko ring banggitin na ang alternatibo at tradisyonal na kaparaanan ng pagpapagaling ay sinuportahan at lumawig sa panahon ng panunungkulan ng dating Kalihim ng DOH na si Dr. Manuel Dayrit. Umaasa kami na ang kasalukuyang Kalihim ng Kalusugan, Dr. Francisco Duque III, ay susuporta rin sa ganitong kaparaanan ng pagpapagaling bilang pagsaalang-alang sa mga higit na nakararami nating mga kababayan na mahihirap na walang pambayad sa mga doktor at sa mga mamahaling gamot sa mga botika.

Si Gng. Myrna Belen ay matatawagan sa tel. no. (02)7466984 o sa cp # 09167011231.

CARMEN ENRIQUEZ

CLEO URSOLINO

DEPARTMENT OF HEALTH

DIYOS

DR. FRANCISCO DUQUE

DR. MANUEL DAYRIT

DR. TESS RAMIRO

MYRNA BELEN

PAGPAPAGALING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with