^

PSN Opinyon

Alam ng taga-Bicol na nanloloko lang si Boy Mayor

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
PINAGTATAWANAN ng taga-Bicol ang kababayan nilang si jueteng witness Wilfredo Montemayor alyas Boy Mayor bunga sa pagdepensa nito sa amo niyang si dating Albay Gov. Al Francis Bicharra. Anila, hindi lang ang sambayanan ang niloloko nitong si Mayor kundi maging ang simbahan sa pangunguna ni Dagupan-Lingayen Archbishop Oscar Cruz, ang namumuno sa krusada laban sa jueteng. Nang sumipot si Mayor sa Senate hearing sa jueteng, sinabi niya na hindi nadungisan ng jueteng si Bicharra sa siyam na taon niyang panunungkulan bilang gobernador ng Albay. Ayaw daw ni Bicharra ng jueteng, ani Mayor na ikinalaki ng mga mata ng mga kababayan niya sa Bicol. Kung totoo ang sinabi ni Mayor sa Senate hearing, nais ng taga-Bicol na igawa ng istatwa si Bicharra para ipangalandakan sa buong bansa na may isang opisyal pa tayo sa gobyerno na hindi naulingan ng jueteng sa mukha. Kaya lang, alam ng taga-Bicol na nanloloko lang si Mayor at dapat itigil na niya ang pagsisinungaling niya. He-he-he! Baka tamaan ng kidlat si Mayor sa kasinungalingan na ikinakalat niya.

Kung malinis si Bicharrra, ibinulgar naman ni Mayor na tumatanggap ng P300,000 si Rep. Carlos Imperial, P400,000 ang kay Rep. Joey Salceda at P250,000 naman ang kay dating Rep. Criselda Lagman-Luistro. Lumalabas tuloy na may bahid ng pulitika ang tinuran ni Mayor dahil sa tatlong distrito na ito ng Albay ay may residence si

Bicharra. Ginigiba lang kaya ni Mayor ang mga pulitiko sa Albay para mamili si Bicharra kung saan niya gagawin ang political comeback niya? Kasi nga, inaamin naman ni Mayor na kaya niya tinanggap ang hamon na maging jueteng witness dahil sumikip na ang puwesto para makabalik siya sa illegal na negosyo. Kaya kung mananalo si Bicharra sa political comeback niya, maliwanag na si Mayor ang magiging financier at management niya, di ba mga suki? He-he-he! Nandamay pa ng iba para lang maipagpatuloy ang jueteng business niya.

Tandang-tanda ko pa na nabira ko na si Boy Mayor noong kalakasan pa ang jueteng diyan sa Albay. Paanong hindi masasangkot si Bicharra sa jueteng eh ang mismong kapatid niya na si Anton ang management ng illegal na sugal sa 3rd district, ang balwarte ni Salceda. Sa 2nd at 1st District naman, si Mayor ang namamahala at bukambibig niya si Bicharra nga. Para maliwanagan ang isyung ito, dapat sigurong ipatawag ng Senado ang dating provincial director ng PNP sa Albay para patunayan na nagsisinungaling si Boy Mayor, anang taga-Bicol. Tiyak kasi na alam ng dating PNP director doon ang kalakaran sa jueteng, kaya’t magkaroon ng sapat na ebidensiya ang Palasyo at mapabulaanan ang mga ikinalat ni Mayor na kasinungalingan. Pag nagkataon, hindi lang si Mayor ang mapapahiya kundi maging si Archbishop Cruz at ang simbahan, dagdag pa ng taga-Bicol. He-he-he! Mukhang gumaganda ang labanan na ito sa jueteng, di ba mga suki?

Kung sabagay, maraming masamang balita na ang nagsusulputan tungkol kay Mayor. Hindi ko na uulitin mga suki dahil bahala na ang sambayanan na maghusga sa kanya. Pero habang tumatagal ang jueteng isyu, maraming pangalan ang nadungisan at higit sa lahat, sangkatutak sa ating kababayan ang naghihirap. Abangan!

AL FRANCIS BICHARRA

ALBAY

ALBAY GOV

ARCHBISHOP CRUZ

BICHARRA

BICOL

BOY MAYOR

JUETENG

MAYOR

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with