Tunay na kalagayan ng Zenith Insurance hulog sa BITAG!
June 3, 2005 | 12:00am
ISANG linggo na ang nakararaan nang sinimulan ng BITAG ang pag-iimbestiga sa pamamalakad ng Platinum Plans.
Hinggil ito sa mga reklamo ng kanilang mga plan holders na lumapit sa aming action center.
Nagsisipagtalbugan ang mga tsekeng ibinabayad ng Platinum Plans sa kanilang mga plan holders.
Hindi rin sinasabi ng pamunuan ng Platinum Plans ang tunay na dahilan kung bakit nagtatalbugan na ang mga tsekeng ini-issue nila sa kanilang mga nagdurusang plan holders.
Walang kasiguraduhan kung kailan nila mababayaran ang mga plan holders, dahil sa patuloy na pagtatago ng matataas na opisyal ng Platinum.
Dito masasabi ng BITAG na nalalagay nga sa krisis ang ilang mga insurance company sa ating bansa.
Dahil bukod sa Platinum Plans nadiskubre ng BITAG ang nangyari sa isang car insurance company, ang Zenith Insurance.
Lumapit sa aming action center si Rebecca Basco upang ireklamo ang Zenith Insurance. Taong 2001 namatay ang kanyang asawa matapos masagasaan ng isang pampasaherong jeepney.
Nahuli ang driver at naibigay sa kanya ang papeles upang makapag claim ng death insurance sa Zenith.
Subalit nang kukunin na niya ang kanyang claim noong Enero 2005, magpahanggang ngayon, puro pangako na lamang sa kanya ang Zenith.
Kinuha namin ang panig ng mga opisyal ng Zenith tungkol sa reklamo, at dito napag-alaman ng BITAG ang tunay na estado ng kanilang kompanya.
Ayon kay Ricky Lumanog, AVP Finance ng Zenith, binigyan sila ng Cease and Decease order galing sa Insurance Commission noong Enero dahil sa kakulangan nila ng kapital.
Nangako sa BITAG ang Zenith Insurance na mababayaran nila ang kanilang mga kliyente oras na makabangon sila sa kanilang krisis.
Mabuting nalalaman ng publiko ang tunay na nangyayari sa isang kompanya tulad ng Zenith Insurance kung sila nga ba ay nalulugi.
Hindi tulad ng Platinum Plans, nanatiling pipi at bingi sa kanilang mga plan holders at maging sa publiko hingil sa kanilang tunay na estado.
Karapatan ng taumbayan ang malaman ang katotohanan sa tunay na kalagayang pinansyal ng isang Insurance company.
Bitag hotline numbers, i-text (0918) 934-6417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Manood tuwing Sabado, 9:00-10:00 p.m. IBC-13, "BITAG".

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended