Patuloy kaming nananawagan sa sinomang makakatulong sa agarang paglutas ng kaso.
Hindi tulad ng ibang kasong sensational ang dating sa iba, maliit na tao lamang kung maituturing si Ding Cruz. Biktima lamang ito ng mga naglipanang masasamang elemento sa paligid. At higit sa lahat, hindi negosyante si Ding Cruz.
Kung titingnan, mas nauuna pang nalulutas ang kaso ng mga negosyanteng Intsik na biktima.
Ayaw naming isiping namimili ng kasong lulutasin ang mga kinauukulan dahil hanggang ngayon, hirap pa rin sila habang nananatili pa ring malaya at pagala-gala ang mga salarin sa naturang krimen na maaaring makapambiktimang muli.
Pero kung nanaisin, halos kumpleto naman tayo sa resources upang maresolba ang kaso. Partisipasyon na lamang ng mga witness ang kinakailangan upang umusad ito.
Isa rin si Edgardo Canar sa mga wanted na pinaghahanap ng ating batas at ng BITAG. Kasong panghahalay naman ang kinakaharap nito sa Camarin, Caloocan.
Delikadong magpagala-gala si Canar dahil isang 12-anyos na nene ang huli niyang nabiktima.
Estilo ni Canar ang tumambay malapit sa mga paaralan. Dito niya hahanapin ang kanyang bibiktimahin.
Kayat pinag-iingat namin ang lahat lalo na ngayong panahon ng pasukan.
Hindi lang ang tulad ni Edgardo Canar ang halimaw na pagala-gala sa lansangan. Marami pa sila.
Ibayong pag-iingat ang kinakailangan upang maiwasang mabiktima ng mga ito.