Nanggaling pa sa malalayong probinsya ang mga plan holders na ito. Crunch time para sa kanila ang panahong ito kung saan kinakailangan nila ang pera para sa pag-eenroll ng kanilang mga anak. Pero ang nangyayari, pinapabalik-balik lamang sila ng Platinum Plans at patuloy na pinapaasa sa mga pangakong napapako
Nalaman namin mula sa tanggapan ni Atty. Gerald Lukban ng Securities and Exchange Commission (SEC) na noong nakaraang taon pa nila pinagbawalan ang Platinum Plans sa pagbebenta ng mga pre-need plan dahil sa pagkakaroon ng mga problema sa pagsusumite ng kaukulang papeles at mga reklamong kanilang natatanggap.
Ihinarap namin sa Platinum Plans ang mga nagrereklamong magulang. Pinangakuan naman sila ng pamunuan ng Platinum Plans na agad papalitan ang mga tsekeng nagtalbugan.
Epektibo ang ganitong sistema para sa ilan lamang. Malinaw na kinakailangan pang lumapit ng mga magulang na ito sa BITAG para lamang matugunan ang kanilang problema.
Ayon pa kay Mary Jean Reyes, Vice President for Management Audit & Business Development ng Platinum Plans, pinipilit daw nilang bayaran ang mga plan holders kaysa humantong sila sa rehabilitation ng kumpanya
Hindi lang daw sila ang may ganitong problema pagdating sa industriya ng pre-need sa bansa
Pinabulaanan naman ito ni Daniel Villanueva, EVP at Chief Financial Officer ng Berkeley International Life Insurance, dahil wala daw krisis na kinahaharap ang industriya ng pre-need sa bansa.
Ayon pa kay Villanueva, sakaling papunta na sa pagkalugi ang isang kumpanya, hindi rehabilitation ang sagot sa kanilang problema. Nasa tamang pagdedesisyon ito ng mga taong nagpapatakbo at nasa likod ng isang kumpanya.
Ika nga ni Atty. Lukban ng SEC, bad business decision ang kadalasang dahilan ng pagbagsak ng isang kumpanya.
Sa sitwasyong ng Platinum Plans, kinakailangang maging tapat sila sa mga plan holder sa totoong kalagayan ng kumpanya.
Hindi uubra sa mga nanggagalaiting mga magulang ang estilo nilang pagtatago, tulad ng nasaksihan ng BITAG sa kanilang COO na si Rey Salas. Patuloy pa rin namin itong tututukan