^

PSN Opinyon

Mga aburidong plan holder ng Platinum Plans

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NITONG nakaraang Lunes, lumapit sa BITAG ang ilang mga aburidong magulang na plan holder ng Platinum Plans. Nagtatalbugan na raw ang mga tsekeng ibinayad sa kanila ng Platinum Plans na dapat sana’y gagamitin para sa tuition fee ng kanilang mga anak.

Nanggaling pa sa malalayong probinsya ang mga plan holders na ito. ‘Crunch time’ para sa kanila ang panahong ito kung saan kinakailangan nila ang pera para sa pag-eenroll ng kanilang mga anak. Pero ang nangyayari, pinapabalik-balik lamang sila ng Platinum Plans at patuloy na pinapaasa sa mga pangakong napapako…

Nalaman namin mula sa tanggapan ni Atty. Gerald Lukban ng Securities and Exchange Commission (SEC) na noong nakaraang taon pa nila pinagbawalan ang Platinum Plans sa pagbebenta ng mga pre-need plan dahil sa pagkakaroon ng mga problema sa pagsusumite ng kaukulang papeles at mga reklamong kanilang natatanggap.

Ihinarap namin sa Platinum Plans ang mga nagrereklamong magulang. Pinangakuan naman sila ng pamunuan ng Platinum Plans na agad papalitan ang mga tsekeng nagtalbugan.

Epektibo ang ganitong sistema para sa ilan lamang. Malinaw na kinakailangan pang lumapit ng mga magulang na ito sa BITAG para lamang matugunan ang kanilang problema.

Ayon pa kay Mary Jean Reyes, Vice President for Management Audit & Business Development ng Platinum Plans, pinipilit daw nilang bayaran ang mga plan holders kaysa humantong sila sa ‘rehabilitation’ ng kumpanya…

Hindi lang daw sila ang may ganitong problema pagdating sa industriya ng pre-need sa bansa…

Pinabulaanan naman ito ni Daniel Villanueva, EVP at Chief Financial Officer ng Berkeley International Life Insurance, dahil wala daw krisis na kinahaharap ang industriya ng pre-need sa bansa.

Ayon pa kay Villanueva, sakaling papunta na sa pagkalugi ang isang kumpanya, hindi rehabilitation ang sagot sa kanilang problema. Nasa tamang pagdedesisyon ito ng mga taong nagpapatakbo at nasa likod ng isang kumpanya.

’Ika nga ni Atty. Lukban ng SEC, ‘bad business decision’ ang kadalasang dahilan ng pagbagsak ng isang kumpanya.

Sa sitwasyong ng Platinum Plans, kinakailangang maging tapat sila sa mga plan holder sa totoong kalagayan ng kumpanya.

Hindi uubra sa mga nanggagalaiting mga magulang ang estilo nilang pagtatago, tulad ng nasaksihan ng BITAG sa kanilang COO na si Rey Salas. Patuloy pa rin namin itong tututukan…
* * *
Hotline numbers para sa mga tips sa anumang uring katiwalian, i-text (0918) 9346417, (0927) 8280973, o tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Panoorin Lunes hanggang Biyernes, Bahala si Tulfo 9:00-10:00 am DZME 1530 kHz, 9:00-10:30 UNTV 37.

AYON

BERKELEY INTERNATIONAL LIFE INSURANCE

BUSINESS DEVELOPMENT

CHIEF FINANCIAL OFFICER

DANIEL VILLANUEVA

GERALD LUKBAN

PLANS

PLATINUM

PLATINUM PLANS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with