^

PSN Opinyon

Oposisyunista o oportunista?

- Al G. Pedroche -
ANG problema sa oposisyon, imbes na labanan ang mga kamalian ng administrasyon para magkaroon ng check and balance, sila-sila ang nag-uupakan. Walang pagkakaisa kaya magulo ang takbo ng bansa.

Nagpapasiklaban.
Makakita lang ng konting oportunidad para mapansin, kahit sariling kasamaha’y dadalirutin. Hindi oposisyunista ang dapat itawag sa kanila kundi oportunista.

Si Senador Juan Ponce Enrile ay kinaiinitan ng ilan sa kanyang mga kasamahan sa oposisyon. Kesyo hindi na raw totoong oposisyon dahil pinabayaan niyang makumpirma ang appointment ni Mike Defensor bilang Sekretaryo ng DENR. Si Enrile ang minority leader sa Commission on Appointments (CA) sa Senado. Dahil sa isyung ito, tatlong opposition Senators ang humihiling na patalsikin si Enrile sa CA kabilang sina Ping Lacson, Serge Osmeña ay Jamby Madrigal.

In fairness,
payag si Enrile na magbitiw bilang minority leader ng CA, pero hindi bilang miyembro. Kasapi si Enrile ng CA dahil siya ang chairman ng Partido ng Masang Pilipino (PMP) na kaalyado ng Kowalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) noong 2004 national polls.

Suriin natin ang hirit ni Lacson na maalis sa CA si Enrile. Ano’ng karapatan ni Ping na hilingin ito? Hindi miyembro si Ping ng PMP-KNP. This membership has been relinquished nang kumandidato siya sa pagka-Pangulo at labanan ang opisyal na pambato ng oposisyon na si Fernando Poe, Jr. Kaya kung tutuusin, walang right si Ping na makisawsaw sa isyu which is purely for PMP-KNP, di ba?

Si Jamby naman ang nagsumbong kay Pimentel na tinatawag siyang "arogante" ni Enrile nang sitahin niya ito tungkol sa mabilis na kumpirmasyon ng appointment ni Defensor. Kaya nasabi ni Pimentel na parang hindi na tunay na oposisyon si Enrile. Nasaan si Jamby nung ginaganap ang confirmation hearing para kay Defensor? Wala. Dapat siya ay naroroon porke siya ang nangungunang opositor sa pagtatalaga kay Defensor.

Kung mayroong dapat hangaang oposisyon, para sa’kin, ito ay si Johnny Enrile. He takes the most unpopular stand among his pears kung ito’y para sa kapakanan at interes ng taumbayan. Halimbawa, siya ang tanging mambabatas na tumutol sa EPIRA law na naging parusa sa taumbayan dahil ipinasa ng nakararaming lawmakers maliban sa kanya.

ENRILE

FERNANDO POE

JAMBY MADRIGAL

JOHNNY ENRILE

JR. KAYA

MASANG PILIPINO

MIKE DEFENSOR

NAGKAKAISANG PILIPINO

PING LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with