^

PSN Opinyon

Congratulations sa inyo

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
IPINAABOT ni Atty. Silverio R. Garing, bossing ng Registry of Deeds ng Muntinlupa City ang pagbati kina DOJ Secretary Raul Gonzalez at LRA bossing Benedicto B. Ulep, sa pagbubukas ng bagong gusali ng Registry of Deeds ng Aklan.

Si Ulep pala ang nagsumikap na magkaroon ng bagong gusali ng LRA-Registry of Deeds sa nasabing province para higit na makapagbigay ng mabuti at mabilis na serbisyo sa mamamayan ng Aklan.

Ang isyu, isang big occasion ang pupuntahan ng mga kuwago ng ORA MISMO today kasi ngayon ang 7th anniversary ng Seagulls Flight Foundation Inc. at kasabay nito idaraos naman ang 6th Commencement Exercises ng mga residenteng naging successful sa program at ngayon ay nakahanda nang bumalik sa mainstream society.

May temang "Celebration of Recovery, the flight continues" ang nasabing okasyon na gagawin sa Club House ng Royale Estate, Tagaytay City dakong 2:30 p.m.

Ang Seagulls Flight Foundation mga katoto ang nangungunang drug-rehabilitation facility sa Pinas.

Mataas kasi ang success rate ng recovery ng mga dating nalulong sa illegal na droga.

Namumuhay na sila ngayon ng normal at payapa kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.

Kaya naman pinasasalamatan ng buong pamilya ng Seagulls si Tagaytay City Mayor Bambol Tolentino na walang sawang sumusuporta sa mga layunin ng Seagulls.

Kabilang sa mga magtatapos sa Seagulls ay isa sa mga kapatid na kasama namin sa hanapbuhay, si NPC Director Jerry Jap ang nag-isponsor todits.

Sana Mr. Yap, marami kang matulungan na mga drug dependents!

Ang visitors nga pala sa graduation ng Seagulls ay sina PDEA bossing Anselmo Avenido at DDB Usec. Dionisio Santiago.

Kay Mr. Ed Castillo, Prez ng Seagulls at sa mga kasamahan niya na nagsikap at nagpunyagi para iahon ang mga buhay na minsang winasak ng droga at alcohol ang aking taus-pusong pagbati.

"Siyempre kapag ganyan ka — noble ang objective, nasa likuran ang mga kuwago ng ORA MISMO," anang kuwagong dupang sa pansit.

"Dapat tuluy-tuloy ang anti-illegal drugs campaign," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Para sa magulang at kaanak ng sinumang lulong sa droga, bata o matanda, bungal o hindi, may baktol o wala, tuli o supot, mataba o payat, may kulani o wala ang Seagulls ang inyong takbuhan.

"Tama ba mga kamote!"

AKLAN

ANG SEAGULLS FLIGHT FOUNDATION

ANSELMO AVENIDO

BENEDICTO B

CELEBRATION OF RECOVERY

CLUB HOUSE

REGISTRY OF DEEDS

SEAGULLS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with