Dapat i-freezer si Willie Revillame
May 28, 2005 | 12:00am
KUNG ako ang top-honcho ng ABS-CBN, ipi-freezer ko muna si Willie Revillame. Rating should play secondary in this case. Hindi sa pagiging pre-judgmental pero masamang role model si Willie. Totoo man o hindi ang sexual harassment cases laban sa kanya, malamang pamarisan ng kanyang mga tagahangang kabataan.
Ilang beses nang nasuspindi si Willie dahil sa pagbibitiw ng mga malalaswang salita sa telebisyon at pambabastos sa mga babaeng guest sa kanyang programa. Iyan ay masasabi ko na walang pasubali dahil isa ako sa maraming nakakapanood sa kanya. Tatlong second chances na ang ibinigay sa kanya. Ngayoy nahaharap siya sa dalawang kasong sexual harassment. Ang unay isinampa ng ating entertainment editor ng PM at assistant editor ng Pilipino Star NGAYON na si Salve Asis. Ang latest ay isinampa naman ng dancer na si Euanne Bautista.
Tungkol sa ikalawang sexual harassment case, wala akong masasabi. Pero sa kasong iniharap ni Salve, nabanggit ko na sa nakaraang kolum na matapos maganap ito tatlong taon na ang nakararaan ay nai-confide na niya ito sakin. But it took so long to file the complaint dahil napagpayuhan ko si Salve na kung puwedey palampasin na lang ang nangyari. Baka hindi niya makayanan emotionally ang ibubungang kahihiyan nito.
Nagpasya lang maghabla si Salve nang malathala na sa isang pahayagan ang diumanoy ginawa ni Willie kay Euanne. Ginawang backgrounder ang nangyari kay Salve, bagay na ikinagalit daw ni Willie na nagbantang magdedemanda ng libelo. In other words, inunahan na si Willie ng reklamo ni Salve.
Maraming mga celebrities na malakas ang hatak sa masa pero wholesome ang imahe at magandang role model. The likes of Gary V. Or else, being a top network with strong influence over the masses, ABS-CBN can produce talents of this kind in lieu of banking on old personalities with star values but are lacking in decorum and are bad role models.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended