^

PSN Opinyon

Special Education Fund kanino napunta?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MUKHANG sinolo ng isang Metro Manila Mayor ang P130 million Special EducationFund.

Kung ibinulsa niya ito, bakit eh tumataginting na P130 million lang naman ang pinag-uusapan todits?

Dehins pala mapupunta ang pitsa sa mga guro, school buildings, facilities o sa maintenance and operation expenses kundi para lang pala sa picture ni Mayor na ilalagay sa mga notebooks.

Malayo pa naman ang 2007 election Mayor, mukhang naniniguro ka para huwag matalo sa laban.

Eh dehins ka naman artista para ikabit mo ang picture mo sa notebook!

Pero Mayor blackout diyan sa isa sa mga eskuwelahan mo magpapasukan na kaya ito dapat ang asikasuhin mo.

Kawawa naman ang mga batang mag-aaral sa lugar mo, mistulang mga bulag sa pag-aaral.

Noon, panay ang putak ni Mayor na kapag naging city ang kanyang lugar ay magkakaroon ng karagdagang P500 million sa kanyang budget pero ngayong siyudad na toits, bakit dehins mabayaran ang P10 million utang sa kuryente sa mga public schools?

Nasaan ba ang P130 million sa Special Education Fund?

Sabi nga, nakangkong ba ito!

Mayor, baka nagkaroon ng talangka ang utak mo, nangako kang daragdagan mo ang allowances ng teachers at bibigyan mo pa ng isang sakong bigas.

Asan ang napako mong pangako!

Sinasakal mo ang mga taong lumalaban sa iyo kaya inipit mo ang principal ng isang school porke pinalagan ka.

Ginamit mo pang maestro at maestra ang mga anak ng iyong mga leader sa politics.

May karapatan ba sila?

"Ayaw ba ni Mayor na mag-move forward ang kanyang lugar?’ tanong ng kuwagong teacher sa Arithmetic.

"Mukhang gusto ni Mayor na maging kamote ang mga students sa kanyang city," sabi ng kuwagong Kotong cop.

"Kung ako kay Mayor pitsa rin naman ang gusto niya, sana nagpa-jueteng na lang siya sa kanyang munisipyo," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Naku ha, susubaybayan natin ang mga lakad ni Mayor kupit, mga kamote."

ASAN

AYAW

CRAME

DEHINS

MAYOR

METRO MANILA MAYOR

PERO MAYOR

SPECIAL EDUCATION FUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with