Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Bro. Rey Cadiz, Valeriano Lim, Luis Villamor, Fidela Abay-Abay, Fatima Arias, Johnny Hernandez at Jun Echiverri.
Ayon sa aking bubuwit, kahit may boyfriend na ang nasabing sekretarya, sinulot pa rin ni Usec.
At ang naturang sekretarya ay bumigay naman. Mukhang nadale sa sobrang ka-o-overtime sa Malacañang.
Ang tindi mo naman Usec. Ilang buwan na ba yan?
Panagutan mo yan! Huwag mong pababayaan ang produkto ng inyong illicit affair.
Dahil sa kao-overtime ng sekretarya, naging dahilan ito tuloy ng paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend.
At nung maghiwalay sila, dito naman nagkaroon ng pagkakataon si Usec.
Sa matinding panunuyo ay bumigay ang sekretarya. At nang bumigay, lalong naging madalas ang overtime.
Yung overtime ay inaabot pa ng gabi sapagkat iba na pala ang tinatrabaho ng dalawa. Gumagawa na ng bata. In short, yung opisina nila sa Malacañang ay ginawang motel.
Mabuti at hindi kayo natiyempuhan ng mga nagrorondang guwardiya diyan.
Siya ay dating ordinaryong empleado lamang noong panahon ni dating President Erap Estrada.
Subalit dahil magaling magsipsip sa kanyang mga bossing, naging Assistant secretary hanggang sa maging Undersecretary.
Ang Cabinet Undersecretary na binuntis ang kanyang sekretarya ay si
Ang opisina nila ay isang departamento na nasa park. Siya ay si Undersecretary B. as in Babaero.