Bakit napipinsala ang mga watershed?
May 25, 2005 | 12:00am
ANG mga watershed ay parang palangganang geographic structure na napapaligiran ng mga bundok kung saan ang surface water ay patungo sa mga lawa, sapa, ilog at iba pang bodies of water, ay nagdadaan sa ibat ibang uri ng pagkasira.
Ang pagguho ng lupa ang pangkaraniwang dahilan ng pagkasira ng mga watershed ngunit maituturing na pinakamatindi ito sa ibang lugar.
Alam ba ninyo na 74 hanggang 81 milyong tonelada ng lupa ang nawawala kada taon dahil sa pagguho ng lupa? At mga 63 porsiyento hanggang 77 porsiyento ng total land area sa bansa ay apektado ng soil erosion? Sa katunayan, higit sa kalahati ng lupain ng 13 sa 74 na lalawigan sa bansa ay apektado ng banayad hanggang matinding pagkaguho ng lupa.
Maliban sa soil erosion, hindi rin maitatatwa na ang laganap na pagkasira ng gubat ay isa sa marami pang dahilan ng pagkasira ng ating mga watershed. Kabilang na rito ang pangkomersiyal na gamit sa vegetation, mga pang-industriyang aktibidad tulad ng walang habas na kombersiyon ng lupa, maling gamit ng lupa at gubat at iba pa.
Dito ngayon pumapasok ang Water Resource Development Project-Watershed Management Improvement Component (WRDP-WMIC) na pinapangunahan ng National Irrigation Administration. Ang WMIC ay isa sa mga limang component projects ng WRDP na ipinapatupad ng DENR.
Nilalayon ng programang ito na mailagay sa ayos ang mga watershed upang tiyakin na mapapangalagaan at maisaayos ang mga kritikal watersheds na pangunahing pinagkukunan ng tubig para sa patubig at iba pang pangangailangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended