^

PSN Opinyon

Mga komunista inulila ng China

SAPOL - Jarius Bondoc -
NAGDARAMDAM ang mga Pilipinong komunista. Inulila na raw sila ng Chinese Communist Party (CCP). Kung dati’y sinusuportahan ng CCP ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa rebolusyong gabay ng Marxism-Leninism-Mao Tse-tung Thought, ngayo’y iniisnab na sila. Nu’ng dekada-’70, ayon sa kuwento ng dating CPP cadre Ricardo Malay, nagpopondo at nag-aarmas ang CCP commission for international affairs sa New People’s Army. Ngayon nagbibigay ng military aid na $1.3 million sa Armed Forces of the Philippines ang gobyerno ng China, sa ilalim ng CCP. Gagamitin ito sa paggawa ng kalsada’t kabuhayan sa mga lugar na hawak ng NPA, para magbalik-loob sa gobyerno ang disgustadong taumbayan.

Tinutuya ng mga awtoridad ang mga lokal na komunista. Hindi n’yo pa ba nakikitang wala nang saysay ang rebolusyon niyo, tanong nila. Hindi n’yo pa ba tinatanggap na nagbago na ang mundo?

Tunay ngang nagbago na ang China. Kung dati’y sentro ito ng komunismo sa Asya, sentro na ito ngayon ng kapitalismo. Lumahok na ang China sa global economy sa pagsapi sa World Trade Organization. Dahil doon, umunlad ang ekonomiya nito nang 15-20% kada taon nitong nakaraang dekada. Nabawasan ang kahirapan sa kanayunan. Milyon-milyon ang demand ng China ng kotse, telebisyon, refrigerator, computers at cellphones. Kaliwa’t kanan ang mga itinatayong pabrika sa maraming siyudad. Lumalaki rin nang 25% kada taon ang gastos ng China sa military build-up. Pero kinakaibigan nito nang lubos ang India at ASEAN.

Laos na ang komunismo, anang mga awtoridad sa mga lokal na komunista. At inginunguso nila ang pagtiwalag ng 3 milyong kasapi mula sa CCP, pati na rin ang pag-unlad ng Vietnam at pagsikap ng Cambodia at Laos na lumayo sa komunismo.

Ayaw itong tanggapin ng mga komunista. Para sa kanila, mali ang pagtahak ng China at mga kapit-bansa sa capitalist road. Patutunayan daw ito ng kasaysayan. Ang problema’y under pressure ang pamunuan ng mga bansang ‘yon na mag-kapitalista – kundi’y magrerebolusyon uli sa kanila.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ASYA

AYAW

CHINESE COMMUNIST PARTY

MARXISM-LENINISM-MAO TSE

NEW PEOPLE

PARTIDO KOMUNISTA

RICARDO MALAY

WORLD TRADE ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with