Epektos ni Lt. Mambubukol na-TFAS
May 21, 2005 | 12:00am
SAYANG at naglahong parang bula sa arrival area ng NAIA Terminal 2 si Lt. Mambubukol at kanyang mga galamay porke ang mga palusot nilang shipments ay tinira sa labas ng Task Force Anti-Smuggling ni DILG Secretary Angie Reyes matapos dumating ang PAL flight from Inchon at Seoul, Korea.
Marami ang nanghihinayang at hindi naaresto si Lt. Mambubukol dahil nakatunog toits.
Ang pitsang para sa epektos ng mga Koreano ay naibulsa agad ni Lt. Mambubukol. Sabi nga, sa tsapit super speedy ang kamote!
Ang mga galamay ni Lt. Mambubukol sa arrival area ng Terminal 2 ay binabantayan ng mga taga-TFAS dahil nalaman ng huli ang tindi ng kanilang operasyon sa airport.
Saludo ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa operasyon ng TFAS. Sabi nga, huwag kayong pipikit sa arrival area ng Terminal 2 porke sangrekwa ang milagro rito.
Nag-iiyakan daw ang mga owner ng shipments na tinira ng TFAS porke doble-gastos ang inabot nila. Bigay pitsa na sila kay Lt. Mambubukol sabit pa ang kargamento nila. Buti nga!
Ngayong matunog na ang pangalan ni Lt. Mambubukol sa TFAS, sana mga sirs ang una naman ang kalawitin ninyo.
May parating pa ang galamay ni Lt. Mambubukol, iyong mga palusot nilang gamot, spare parts ng eroplano sa flight in the morning.
Ang secret Kobe beef and assorted goods from Narita, Japan na ipinalulusot ng grupo ni Lt. Mambubukol ang dapat manmanan ng TFAS.
Lt. Mambubukol for your information, tinitiktikan ka na ngayon, mag-iingat ka sa palusot mo. Kaya yung para sa mga kasama mo ibigay mo, huwag mong swapangin para everybody happy!
"Pasalamat ang mga kuwago ng ORA MISMO, kay DILG Secretary Reyes at Usec. Mel Rosales sa ginawa nilang aksyon sa mga kamote," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Sana mga Sirs, huwag ninyong lubayan ang trabaho ng mga gagong galamay ni Lt. Mambubukol," sabi ng kuwagong Kotong cop.
"Abangan natin ulit ito mga lagapot."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am