^

PSN Opinyon

Gov't official iba-iba ang kotseng ginagamit sa pagpasok opisina at pag-uwi sa bahay

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang iba’t ibang sasakyan ang ginagamit ngayon ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan sa pagpasok sa opisina at pag-uwi sa kanyang bahay?

Ayon sa aking bubuwit, congratulations sa mga bagong officers ng Free and Accepted Masons of the Philippines na sina: GM Hermogenes Ebdane Jr.; Dep. GM Romeo Yu, GSW Jimmy Gonzales at GSW Pacifico "Bong" Aniag.
* * *
Alam n’yo bang papalit-palit ngayon ang sasakyang ginagamit ng isang opisyal ng pamahalaan dahil sa mga pagbabanta sa kanyang buhay?

Ayon sa aking bubuwit, bumili ng limang sasakyan ang naturang opisyal at ito ang halinhinan niyang ginagamit upang iligaw ang mga bumubuntot sa kanyang "Anghel dela guwardiya".

Hindi ka nag-iisa Sir sa mga may anghel na dela guwardiya. Marami na ngayon.

Ito yung mga bumubuntot sa kanya upang alamin ang kanyang pinupuntahan at ruta ng kanyang daanan.

Ito ’yung tinatawag na "casing" ng mga intelligence operatives kapag tinitiktikan ang isang tao o subject.

Ayon sa aking bubuwit, kung bumili o gumagamit man ng iba’t ibang sasakyan ang nasabing opisyal, ito ay hindi naman para sa kanyang luho tulad ng ibang opisyal ng gobyerno kundi para sa kanyang seguridad.

Simula kasi nang ipatupad nito ang mahigpit na kampanya laban sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis ay palagi na siyang nag-aalmusal ng death threats.

Lalo pang dumami ang kanyang death threats nang simulan nilang kasuhan ang mga hinihinalang tax evaders.

Ayon sa aking bubuwit, tatlong magkakaibang kotse ang kadalasang ginagamit ni Sir sa loob lamang ng isang araw.

Ito ang halinhinan niyang ginagamit upang iligaw ang mga masasamang elemento na nag-eespiya sa kanya.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, minsan ay sa gasoline station nagpapalit ng kotse si Sir.

Minsan naman ay sa loob ng mall para hindi masundan.

Siya ay kumuha na rin ng mga bodyguard sapagkat seryoso diumano ang mga banta sa kanyang buhay dahil sa dami na ng mga malalaking taong nasagasaan niya.

Sa kabila ng mga banta sa kanyang buhay, hindi natakot ang nasabing opisyal at binale-wala lamang ang mga banta.

Pero, itinutuloy pa rin ang kanyang kampanya laban sa mga tinaguriang tax cheats.

Ayon sa aking bubuwit, ang mataas na opisyal ng pamahalaan na madalas magpalit ng kotse dahil sa mga banta sa kanyang buhay ay si…

Dati siyang intelligence officer ng Bureau of Customs noong rehimen ni dating President Marcos.

Siya ay walang iba kundi si BIR Comm. Guillermo Parayno.

Good luck Mr. Commissioner. Huwag kang mag-alala, hindi ka pababayaan ni Lord!

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

FREE AND ACCEPTED MASONS OF THE PHILIPPINES

GUILLERMO PARAYNO

HERMOGENES EBDANE JR.

JIMMY GONZALES

KANYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with