Mga empleyado dumepensa sa Duty-Free chief
May 21, 2005 | 12:00am
HUWAG na nilang siraan ang Duty Free Philippines dahil marami kaming benepisyong tinatamasa simula nang maupo si GM Michael Kho." Ito ang nagkakaisang tinig ng maraming empleado ng DFP na sumulat sa atin bilang reaksyon sa nailathala natin tungkol sa diumanoy multi-milyong pisong anomalya.
Ito ay tungkol sa advertising campaign ng DFP na ipinalabas sa CNN Asia at sa isang dayuhang pahayagan na sinasabing dahilan ng multi-milyon pisong pagkalugi ng kompanya. Iminatuwid ng mga kawani na noong 1997 hangggang 2000, ang kompanya ay nalugi ng P2.5 bilyon. Ngunit nang maupo si Kho bilang GM, nagkaroon ng 8 porsyentong pagtaas ang kinikita ng DFP na katumbas ng $142 million. "Sa panahon lamang ni GM Kho umangat ang kabuhayan ng aming tindahan" anang mga empleado sa kanilang nilagdaang sulat.
Inilalathala natin ang panig ng mga DFP employees in the interest of fairness. Anang mga kawani, ang naturang advertising campaign ay masasabing dahilan ng pagtaas ng income ng kompanya dahil maraming dayuhang turista at balikbayan ang naakit mamili sa pangunahing duty free store sa bansa. Dahil daw sa media blitz, di kukulangin sa 2 milyong turista ang dumagsa sa bansa at tinangkilik ang mga tindahan ng duty free.
"Desperadong paninira." Ganyan nila inilarawan ang akusasyong "scam" laban sa naturang kampanya. Anila, may sektor na "galit" sa magandang estado ng DFP at pinipigilan ang pag-asenso pa nito.
Dahil sa pag-asenso ng DFP, maraming benepisyo raw ang tinatamasa nila ngayon. At itoy dahil sa magandang programa ni Michael Kho. Ergo, ang pagdepensa nila sa management ng DFP ay pagtatanggol din sa kapakanan nila.
Isipin nga naman na kung babagsak ang duty free dahil sa ganyang mga atake, pati silay babagsak din. Iyan ang dahilan kung bakit bigay-todo ang suporta at pagtatanggol nila sa kanilang bossing na si Michael Kho.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended