Lt. Mambubukol ng NAIA Terminal 2

HINULI ng mga bataan ni Dr. Dave Catbagan, bossing ng Animal Quarantine sa NAIA ang hotraba ng mga galamay ni Lt. Mambubukol.

Mga Kobe beef from Japan ang nadale nina Dave noong isang linggo.

Binasbasan kasi ni Lt. Mambubukol ang mga Japanese trader para magpasok at ipuslit ang Kobe beef sa buong akala natutulog sa pansitan ang mga alipores ni Dr. Catbagan.

Tinitiktikan ni Dave, ang mga kabig ni Lt. Mambubukol sa Terminal 2 dahil alam niyang gagawa ng milagro ito anumang oras sa arrival area ng nasabing paliparan.

Inaangal ng mga kasamahan niya si Lt. Mambubukol porke malakas itong managa ng mga pasaherong dumarating sa airport.

Kinikikilan ni Lt. Mambubukol ang mga taong doing business sa paliparan na madalas niyang makita.

Sabi nga, nakanganga ang kanyang mga kaalyado dahil sa pambubukol ni Lt. Mambubukol.

Pitsa lang kasi ang pinag-aawayan sa Terminal 2 kapag nandito si Lt. Mambubukol!

Isang broker si Lt. Mambubukol sa South Harbor, negosyo nilang mag-waswit ang mambraso ng parukyano para may pangkain sila sa kanilang pamilya.

Playboy si Lt. Mambubukol kinaliwa nito ang nagpapakahirap niyang matabang waswit para masabing matindi ang kanyang charisma sa bebot.

May sakit kasing diabetes ang kanyang waswit kaya nawalan yata ng bog-li.

Tama ba, Miss Fe?

Nagbago ng relihiyon si Lt. Mambubukol para palitawing maka-Diyos ang ogag pumasok pa ito sa bopols, este mali, Couples pala para iparamdam sa kanyang esmi na dehins siya playboy kundi manyakis.

Akala noong una hinete si Lt. Mambubukol dahil mahilig itong mangabayo dahil para itong kubrador sa arrival area porke paikut-ikot ito dito.

Nang mabuko pitsa pala ang lakad ni Lt. Mambubukol.

Ayos ba, Mr. Frankie Boy?

Bago ang amoy ng mga bossing ni Lt. Mambubukol ngayon kaya stop muna pansamantala ang kanyang raket sa gabi.

"Hindi ba malaki ang ganansiya sa pitsa ni Lt. Mambubukol kapag dumarating ang PAL flight Seoul at Inchon?" tanong ng kuwagong miyembro ng laglag-barya.

"Tumpak ka diyan," sagot ng kuwagong Kotong cop.

"Malakas ba talagang mangurakot si Lt. Mambubukol?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Sinabi mo pa!"

"Bakit Lt. Mambubukol ang pangalan niya?" tanong ng kuwagong pulis na naglalanggas ng galis.

"Ito ang tawag sa mga taong sinasarili ang kita."

"Hindi ba Manolo ang first name niya dahil mahilig magsolo?"

"Tama ka d’yan, kamote!"

Show comments