^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Garapal!

-
MARAMI nang opisyal ng ibang bansa ang nakapupuna sa talamak na corruption sa Pilipinas. Maski ang mga American businessmen ay inirereklamo rin ang grabeng corruption at nagbanta sila na kung hindi makagagawa ng solusyon ang gobyerno ni President Arroyo, aalisin nila ang mga negosyo sa bansa. Kakahiya! Dahil sa corruption kaya ipu-pullout ang negosyo.

Noong May 5, isa na namang US official ang nagpakita ng pagkadismaya dahil walang makitang progreso sa pakikipaglaban ng pamahalaang Arroyo sa mga corrupt. Mariin ang sinabi ni US Deputy Secretary of State Robert Zoellic, kailangang magtrabaho nang husto ang Pilipinas para madurog ang katiwalian sa gobyerno. Bukod sa nakitang walang pagbabago sa pakikilaban sa mga tiwali, napansin din ang paraan ng pakikipagnegosasyon sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Dapat ipagpatuloy ang peace talks.

Kung gusto raw ng Pilipinas na madagdagan ang tulong na ibinibigay ng US, magtrabaho nang husto lalo pa nga ang may kaugnayan sa pagdurog sa corruption. Ayon kay Zoellic, posibleng madagdagan ang ibinibigay na economic at military assistance ng US kung makapagpapakita ng progreso ang Pilipinas sa paglaban sa katiwalian.

Garapalan na kasi ang nangyayaring katiwalian sa mga ahensiya ng gobyerno kaya maski ang mga foreign officials ay nalalaman na ito. Nangunguna sa pinaka-corrupt ang Bureau of Customs. Wala nang tatalo pa sa ahensiyang ito kung tungkol din lamang sa corruption ang pag-uusapan. Nasa Customs ang mga kabusugang buwaya.

Kamakalawa, dalawang magkapatid na babaing empleado sa Customs ang sinampahan na ng kaso ng Department of Finance. Ang dalawa ay sina Ana Marie Concepcion-Maglasang at Matilda Concepcion-Millare. Si Maglasang ay customs operation officer sa Port of Manila samantalang si Millare ay special deputy collector sa Ninoy Aquino International Airport. Sinampahan sila nang magkahiwalay na kaso sa paglabag sa Republic Act No. 1379 o ang Ill-Gotten Wealth Law.

Si Maglasang ayon sa DOF ay may suweldong P18,000 bawat buwan subalit sangkaterba ang kanyang ari-arian. Maraming bahay, mansions at may tatlong mamahaling sasakyan. Samantala, si Millare ay may suweldong 21,000 bawat buwan. Marami ring ari-arian, lupain, mansions, sasakyan at meron pang speedboat.

Sana nga ay tuluy-tuloy na ang pagdakma sa mga matatakaw na buwaya sa Customs at lahat sila ay maitapon sa madilim na kulungan. Para naman wala nang maipintas ang mga dayuhan na walang progreso ang pamahalaan sa paglaban sa mga corrupt.

vuukle comment

ANA MARIE CONCEPCION-MAGLASANG

BUREAU OF CUSTOMS

DEPARTMENT OF FINANCE

DEPUTY SECRETARY OF STATE ROBERT ZOELLIC

ILL-GOTTEN WEALTH LAW

MATILDA CONCEPCION-MILLARE

MILLARE

PILIPINAS

SI MAGLASANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with