"Banat ni Atty. Victor I. Padilla sa radyo..."

NAKARATING ANG BALITA SA AKIN NA BUMABANAT DAW ITONG SI ATTY. VICTOR I. PADILLA SA ISANG LOCAL RADIO STATION SA CAGAYAN LABAN SA AKIN AT SA ILANG MEDIAMEN. KARAPATAN NIYA ITO.

I adhere to the principle that if you can dish out criticisms, you should be ready to take it. Grin and bear it, ika nga.

Ilang ulit kong inimbitahan itong abogadong ito subalit tumanggi siya ng iparating sa kanya ng mga taong malapit sa kanya tulad ni Sylvestre Bello III, NBI-NCR Regional Director Edmund Arugay.

Nakatanggap ako ng email sa mga iba’t ibang tao ng ipinagtatanggol ang abogadong ito at sinasabi na ang mga lumalabas daw sa media ay isang "demolition job" na ang nasa likod ay isang Filipino Chinese Businessman na mayaman. Pinalabas diumano nitong abogadong ito na nabayaran daw kami! Lumang issue yan tungkol sa mga mediamen. Kapag nagsulat kami ang paratang, nabayaran kami.

Ang tanong ko, ano ba ang galit sa iyo nitong sinasabi mo?

Ganito ba kalakas ang taong ito na kaya niyang gamitin, bayaran ang dami ng media na nagsusulat ng mga reklamo laban sa ’yo?

Ano ba Atty. Bing ang atraso mo sa kanya at nagagawa nitong magamit ang media, ang mga farmers at pati na rin si Governor Ed Lara, DOJ Justice Secretary Raul Gonzalez si Cong Rodolfo Valencia at ang 37 pang mambabatas na nakapirma sa isang House Resolution? Binayaran ba niya lahat kami? Magkano?

Abogado ka at ayon sa mga nagpapadala ng email sa akin, isa kang magaling na abogado. There is no reason for me to doubt that. Being a lawyer, alam mo ang sinasabi mong "demolition job" ang lahat ng ito is nothing but an ALIBI.

Mga kaibigan, ALIBI is the weakest form of defense that is not really well appreciated in a court of law. Bakit, kasi kadalasan self serving yan.

Maari kang ngumawa ng ngumawa dyan sa radyo na yan subalit hindi naman stupido ang mga tao para hindi nila tanungin sa kanilang sarili kung totoo nga ba ang mga binibintang sa iyo ng mga taong nagrereklamo.

Demolition Job? Ano ba ang naging sagot mo sa mga paratang sa yo ni Ms. Lerma Aguinaldo, biyuda ni Gov. Rodolfo Aguinaldo ng sabihin niya sa isang eksklusibong interview sa "CALVENTO FILES" mula mismo sa Tuguegarao, Cagayan na ang lupa na nasa iyong pangalan sa harap ng Provincial Capitol ay sa kanyang asawa.

Bakit ang lakas ng loob nitong si Ms. Lerma Aguinaldo na magpahayag na sinabi ng kanyang asawa na ang ilang hektaryang lupain sa harap ng Kapitolyo ay share daw nila sa Small Town Lottery ng bigyan niya itong si Atty. Padilla ng pahintulot na magpatakbo nito sa Cagayan Province? Kung walang katotohanan ito, bakit ng beripikahin namin sa Registry of Deeds lumalabas na sa iyo nga yang lupa sa harap ng Kapitolyo. Sagutin mo ang sinabi ni Lerma. Kahit wala daw silang pinanghahawakan na dokumento, alam ng lahat na sa kanila itong lupain na ito. Konsensya mo na lang daw kung ibibigay mo yan para sa mga anak ni Agui. Hindi naman daw sila naghahabol dahil wala nga naman silang pinanghahawakang dokumento.

Ever heard of the phrase "Word of Honor o Palabra de Honor?

Sa halip na sagutin ito nitong si Atty. Padilla, nakatanggap ako ng email mula sa isang Vince Bautista na ipinagtatanggol itong si Padilla at kung anu-anong kasiraan ang mga sinabi tungkol sa byuda ni Agui.

Hindi nga nagpakita si Vince Bautista, kamag-anak daw siya ni Elena Bautista ng LTFRB. Kinausap kong muli si Lerma Aguinaldo at sinabi ko ang laman ng mga paninira nitong si Vince Bautista. Ang reaksyon ni Lerma, "Baka si Atty. Padilla na rin yan!" Hindi ko na muling nakatanggap ng sagot mula kay G. Bautista matapos magtakda kami ng appointment na magkita sa opisina ng Star Group of Companies. Nasa akin pa rin ang mga emails nitong "miysteryosong" taong ito. MATAPANG lang pala sa email itong baklang ito. Gusto n’yo bang mabasa ang mga paninira nito sa biyuda ni Agui? Kayong mga "MISTAH" ni Agui, gusto n’yo bang mabasa ito?

Kumontak naman sa akin ang mga farmers ng Brgy Maguirig, Solana, Cagayan. May mga paratang sila na itong si Atty. Padilla sa pamamagitan ng testimonya ng kanyang caretaker na si Mario Pagulayan ay inakusahan sila ng "Illegal Cutting of Logs."

Ipinakulong daw ang mag-amang Rogelio at Jessie Malana, matapos malabasan ng Warrant of Arrest. Mahigit sa isang buwan na nasa kulungan ang mga taong ito.

Matapos malitis, pinawalang sala ang mag-amang Malana na ayon na rin sa kanilang Sinumpaang Salaysay kinasuhan mo daw sila dahil ayaw nilang pumirma sa mga dokumentong pilit mo raw diumano na pinapipirma sa kanila. Mga kasong Kidnapping, Illegal Detention, Grave Threats, Coercion, Incriminating Innocent Persons at meron pang iba.

Anong sagot mo Atty. Padilla? Sa halip na magpadala itong si Atty. Padilla ng mga kanyang Counter-Affidavit, isang demolition job na naman daw ito na ang nasa likod ay yung Filipino-Chinese Businessman. Sino ba ang Tsinoy na sinasabi mo? Sagutin mo ang issue laban sa’yo instead of pointing your finger at someone else!

Inuulit ko, you keep on invoking ALIBI as your defense when you have to prove and substantiate that in open court. Kung meron ka ngang katibayang pinanghahawakan?

You can speak ill of us journalists for all you want, for all we care in local radio stations, gaya ng balitang ipinarating sa akin ng mga taga dyan. The bottom line remains that you still have to answer the allegations levelled against you.

Are you guilty of oppressing these farmers who have been tilling the soil dyan sa Brgy Maguirig, Solana since 1970? Sa iyo ba talaga ang lupain na pinabakuran mo at pilit mong pinaaalis ang mga farmers na ilang dekada ng naninirahan dyan?

Mga kaibigan, naghamon ako na lumutang ang pamilya nila Honesto Lasam, kung kanino unang nakapangalan ang mahigit sa 375 hectares na lupain dyan sa Solana, Cagayan. Maaring magbigay linaw ang pamilyang ito kung ano ang katotohanan sa likod ng malawak na lupain na ngayo’y pinagtatalunan.

Antabayanan sa MIYERKULES ang isang affidavit na ipinadala sa aking tanggapan mula sa matandang Lasam na aking ipapablish para mabasa ninyong lahat.

Samantala, ipagpatuloy mo ang pagbanat sa akin sa radyo kaya lang mas kapani-paniwala kung kaya mong I-substantiate ang lahat ng mga alegasyon mo!

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS MAARI KAYONG MAGTEXT SA O9213263166. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

E-mail address: tocal13@yahoo.com

Show comments