^

PSN Opinyon

Bukas-kotse namamayagpag sa Macapagal Avenue

- Al G. Pedroche -
NAGPIPISTA na naman ang mga masasamang-loob, lalo na yung mga tinatawag na "bukas-kotse gang". Nabiktima mismo ang ating provincial editor na si Mario Basco. Buwenas naman talaga kung sino man ang nakalimas sa mga ari-arian ni Mario. Pasalamat si Mario at hindi tinangay pati sasakyan niya. Balita ko’y may mga nangyari na ring carnapping incidents sa lugar na ito. Dapat sigurong siyasatin ang nababalitaan natin na may mga tiwaling pulis na pumuprotekta sa mga gagong mandurugas na ito.

Kasama sa mga natangay sa kanya ay isang pares ng two-way radio, digital camera, tape recorder, palm top computer at cash na $400. Kasama rin sa mga tinangay ang mga mahahalagang ID cards ni Mario.

Ipinarada lang sandali ni Mario ang kanyang sasakyan sa Blue Wave Park malapit sa Bay Spa along Macapagal Avenue nung isang gabi at nang balikan niya ang sasakyan ay sinimot na ng mga hinayupak na dorobo ang kanyang mga mahahalagang gamit. Ito ang mismong lugar na kinaroroonan ng mga kilalang fastfood chains. Dapat sana ang mga establisimiento rito’y nagtatalaga ng mga guwardiya para pangalagaan ang kanilang parokyano.

Notorious daw ang lugar na ito at marami na ang nabibiktima ng mga mandurugas. Maganda pa naman ang lugar. Tuwing kakain ako sa lugar na ito kasama ang pamilya ay para bang nasa abroad ang ambiance.

BAY SPA

BLUE WAVE PARK

BUWENAS

DAPAT

IPINARADA

KASAMA

MACAPAGAL AVENUE

MARIO

MARIO BASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with