Dr. Ray Punongbayan tunay na SAPAT
May 15, 2005 | 12:00am
ISANG malaking kawalan para sa ating bayan ang pagpanaw ni Dr. Ray Punongbayan, dahil sa isang helicopter crash. Si Ray ang dating Director ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Napamahal siya at naging popular sa mga Pilipino dahil sa kanyang tapat na serbisyo sa ating bayan pagdating ng mga sakuna katulad ng lindol at lahar. Hindi lamang siya masipag, matiyaga pa siyang mag-paliwanag sa ating lahat kung ano ba talaga ang problema, at ano nga ba ang dapat nating gawin sa mga oras ng peligro
Sa aking paningin, kung mayroon mang dapat bigyan natin ng "Service Acceptable to Public Acclaim and Trust" (SAPAT) award, si Ray na dapat ang nangunguna. Bilang patunay sa kanyang katapatan sa public service, minarapat pa niyang ipagpatuloy ang kanyang paglilingkod sa bayan kahit siya ay nag-retire na. Dahil sa kanyang kagalingan, minarapat pa ng Philippine National Red Cross (PNRC) na gawin siyang isang Board Director at yan naman ang dahilan kung bakit napasama si Ray doon sa helicopter crash
Ayon sa mga balita, lumakad daw si Ray kasama ang kanyang mga kapwa experts dahil kailangan nilang tingnan ang isang bahagi ng Luzon na may panganib na magkakaroon ng landslide. Sa kasamaang palad, tumama ang kanilang sinasakyan na helicopter sa isang bundok, na naging dahilan ng kanilang pagkasawi. Bakit tunay na nararapat sa kanya ang SAPAT award? Kung inyong matatandaan, madalas mangyari na wala tayong naririnig sa ibang mga ahensiya ng gobyerno pagdating ng mga sakuna. Di natin alam kung sila ay nagtatago di kaya mahiyain, ngunit iba si Ray, dahil lagi natin siyang nakikita at naririnig at walang tigil na nag-uulat at nagpapaliwanag sa atin
Hindi pa malaman kung ano talaga ang naging sanhi ng aksidente. Madaling sabihin na ang kalumaan ng Huey helicopter ang naging dahilan sapagkat Vietnam vintage pa ito, ngunit kung kalumaan ang dahilan, dapat permanently grounded na ang mga yan. Saka, hindi naman natin magagawa yan, dahil baka mawalan na tayo ng mga helicopter kung yan ang ating maging desisyon. Hindi kaya poor maintenance ang sanhi ng sakuna? Kung ganyan ang usapan, tiyak na mauuwi na naman sa kakulangan ng budget ang magiging palusot, kaya saan na tayo pupulutin nyan? Wala naman akong direktang pinapatamaan, ngunit hindi kaya nararapat lang na bigyan natin ng "Service Unacceptable to Public Opinion and Trust (SUPOT) award ang mga opisyal na may pananagutan sa maintenance ng nasabing helicopter
Hanggang sa susunod na linggo po
Para sa inyong reaksiyon, mag-email po sa [email protected]
Hanggang sa susunod na linggo po
Para sa inyong reaksiyon, mag-email po sa [email protected]
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am