Three stogees fixer sa NAIA

KUNG tawagin ay three bad eggs ang tatlong fixer sa NAIA porke nagpapanggap ang mga ito na miyembro ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force ng Palasyo, iyon pala mga epek dahil kasapi sila sa tinatawag na Paok-Ok gang. Take note, MIAA General Manager Al Cusi, Sir!

Madalas masilayan ang Paok-Ok gang sa departure area ng NAIA Terminal 1 dahil dito sila dumidiskarte para mangbakal sa mga passengers na umaalis patungong Gitnang Silangan. Kawawang mga OFWs!

Pero sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bihira silang makalusot sa pangongotong kasi pumapalag ang kanilang victim pero sa mga pakaang-kaang na workers tiyak gay-bi sila ng pitsa.

Nakakaladkad pa ang PAIRTF sa kanilang oplan bakal. Paging Director Rey Jaylo, Sir!

The three bad eggs ay binigyan ng basbas ng isang laos na military man sa NAIA kaya iba ang dating nila sa paliparan para silang mga hayok sa tsapit.

Kinilala ang isa sa tatlong itlog este mali Paok-Ok gang pala na si Joel Talisain.

Madaling makilala ni Cusi si Joel Talisain kasi parang palong ng manok ang style ng color ng hok-bu nito.

For your information, Al si Joel Talisain ay runner at fixer ng mga gagong taga-Immigration.

Si Joel Talisain ang tinaguriang doktor dahil toits ang gumagawa ng paraan para makaalis ang isang illegal worker sa NAIA.

"Malamang mawalan ng papel sa airport si Joel Talisain kapag nabasa ni Al ang istoryang ito," anang kuwagong fixer.

"Dapat lang pahirap iyan si Talisain imbes na tumulong sa kanyang amo," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Nabubukulan kaya ni Talisain ang bossing niyang laos na military man?" tanong ng kuwagong Kotong cop.

"Iyan kamote ang itanong natin sa kanila."

"Abangan!"

Show comments