OK ilantad ang mga katiwalian sa gobyerno. Pero dapat may basis sa ano mang pagtuligsa at hindi lamang udyok ng personal na galit. Silipin natin ang performance record ng ahensya base sa mga dokumentong ipinakita sakin ng aking kakilala. Nagtakda ang GSIS ng target na P737 milyon na dapat tipirin para sa taong 2004. Natapos ang 2004 at nalampasan ng GSIS ang sariling target. Mahigit P1 bilyon ang natipid. Bukod sa P1 bilyong naibigay sa gobyerno, umabot din sa P1 bilyon ang dividend na nai-credit sa mga GSIS members nung 2004 nang mag-decide ang GSIS board na itaas sa 30 percent ang share ng mga kasapi. Nakapagpalabas pa diumano ang GSIS ng P 5 bilyon para ipautang sa mga members.
Kasama sa belt-tightening measure na ipinatupad sa GSIS ay ang pagbabawas ng P160,000 sa suweldo ni GSIS GM Winston Garcia. As of this period, umaabot na sa P2 milyon ang nakaltas ni Garcia sa kanyang suweldo at inilaan na sa kabang-yaman ng bansa. Kung gagayahin ng ibang namumuno sa mga government corporation, marami-raming pera din ang maidaragdag sa national coffer. Inatasan ng pangasiwaan ng GSIS ang mga department heads na magbawas ng 10 hanggang 20 porsyento ng kanilang gastos sa administrative operations kung kayat naka-realize ng malaking savings.
Naniniwala din ang GSIS na bago matapos ang taon, ang lahat ng mga miyembro ng GSIS ay mayroon nang E-Cards para lalung mapabilis ang pag-utang. Isang milyong kasapi na ang may E-Cards at nakautang ng tig-P5,000. This means, may P5 bilyon na ang nailaang pautang ng GSIS sa mga E-Card holders. Tanong ng kakilala ko, bakit pursigido si Rep. Rolex Suplico na tirahin ang GSIS sa pamumuno ni Garcia? Di kaya itoy dahil bigo ang Solon sa nilalakad na re-insurance ng National Power Corporation? Dugtong ng kakilala ko, "siguro ang dapat imbestigahan ay si Suplico na diumanoy gumamit ng impluwensya bilang Kongresista sa pagbebenta ng lupain sa Kimberly Clark na kinasangkutan ng kanyang mga kamag-anak."
"Hindi ba bago naganap ang bentahan ay kinasuhan ni Suplico ang Kimberly Clark, tapos biglang tumahimik nang magsara ang bentahan?" dugtong niya.