^

PSN Opinyon

Patay na! Nawawala na ang mga doktor at nurses

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Danny Macabuhay -
Matagal ko nang naisulat sa kolum na ito ang tungkol sa pangangailangan ng ating pamahalaan na makahanap ng magandang solusyon nang huwag mag-alisan ang ating mga nurses, mga doctor at pati na ang mga physical therapist upang mag-trabaho sa ibang bansa na ang karamihan ay US ang destinasyon. Sa tingin ko, hanggang ngayon ay wala pa akong nadidinig na anumang pagkilos na nanggagaling sa ating gobyerno o sa sinuman sa Health sector na pinag-uusapan man lamang ang problemang ito.

Marahil ay hindi pa sumasagi sa isipan ng mga kinauukulan ang magiging epekto ng exodus ng mga Filipino nurses patungong ibang bansa. Darating ang panahon na kakaunti na lamang na mga nurses at mga doctor na nagiging nurses na rin ang maiiwan sa ating bansa. Ang bansa naman natin ang kukulangin sa mga mag-aalaga sa ating mga maysakit na katulad ng nangyayari ngayon sa ibang bansa.

Paiba-iba ang mga nababasa naming mga balita tungkol sa gaano karami ang pangangailangan sa mga nurses sa iba’t ibang parte ng mundo. Sa dalawang artikulong nabasa ko, sa taong 2010, sa US pa lamang, ay mangangailangan na dito ng hindi kukulangin sa 200,000. Susmaryahosep, saan kaya kukunin ang mga nurses na ito? Kaya lang, siyempre, ang mga makukuha ay yun lamang magagaling sapagkat mayroong exams na dapat ipasa at dapat ring makalampas sa kondisyon at requirements ng US Board of Nursing na inaasahan kong maaaring malusutan ng karamihan sa ating mga Filipino nurses kung talagang tututukan nila ang kinakailangang gawin katulad ng pag-aaral ng pagsasalita at pag-unawa ng American English.

Sa paglilibot ko sa iba’t ibang parte ng US, napag-alaman ko na ang mga hospitals at mga iba‚t ibang medical facilities sa Amerika ay kailangang-kailangan na ngayon ng 10,000 nurses na ang karamihan ay Pinoy ang gusto. May balita rin ako na libu-libo rin ang kailangang nurses sa England, Canada, Australia, Japan at iba pang bansa at ang puntirya ng mga ito ay mga Pinoy nurses.

Nakakapangilabot isipan lalo na sa mga katulad kong may edad na kung ano ang mangyayari sa ating mga mamamayan sa darating na mga taon. Magtitiis na lamang tayo marahil na manggamot na lamang ng sarili o sa albularyo na lamang tayo magpagamot at magpaalaga imbes na sa mga doctor at mga nurse. Hoy gising, GMA, Sec. of Health, Phil Medical Association, Phil, Dental Association, Phil. Nurses Association at mga NGO.

AMERICAN ENGLISH

ATING

BOARD OF NURSING

DENTAL ASSOCIATION

LAMANG

NURSES

NURSES ASSOCIATION

PHIL MEDICAL ASSOCIATION

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with