^

PSN Opinyon

Mga iligalista sa NAIA binakbakan ni Capt. Sanchez

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MATINDI nang ipinakalat na white paper versus Capt. Froilan "Bong" Sanchez, miyembro ng Airport Police Force na nakatalaga ngayon sa Airport Security Center.

Dehins ito malunok ng mga taong nakabasa ng paninirang letter.

Ang masama, alam ng mga kuwago ng ORA MISMO na puro kasinungalingan ang nakatitik sa letter.

Ika nga, salsal lahat ang nakasulat!

Ang bawat lakad ni Bong ay pinapansin ng mga kamoteng gumagawa ng illegal sa NAIA porke napakahigpit ng una, ayaw kasi nitong sumama sa operasyon kotongan sa NAIA.

Sabi nga, si Bong ang sagabal sa kanila!

Lahat na yata ng klaseng paninira ay ginawa ng mga kalaban ni Bong sa airport kahit ang pag-ebak nito ay tinitirya ng mga tekamotes.

Ang masama lang, dehins isinama sa letter kung mabango ang ebak or not!

Hindi lang si Bong ang binabakbakan ng mga iligalista sa NAIA, pati ang asawa nitong si Carol ay binira rin ng mga pipitsuging grupong galit sa mga Sanchez family.

Maliit lang kasi ang sahod ni Bong bilang police officer sa airport, ayaw nitong madungisan ang kanyang name para sa kapakanan ng kanyang family.

Bakit nga naman gagawa ng kagaguhan si Bong, may kaunting negosyo ito sa paliparan na illegal naman sa tingin ng mga empleado todits.

May pitsa kasi sa NAIA at dehins biro ito!

Sabi nga, madaling magkamal ng pitsa kung talagang gagawa ng kalokohan sa paliparan.

Kapal lang ng mukha at lakas ng loob ang kailangan para kumita ng maganda sa airport.

Sabi nga, kalabit-pahingi lang ang katapat!

Magpahulog ng Bigas ang negosyo ni Carol, ang wife ni Bong sa airport, ito ang system ng babae para tulungan ang gakulangot na sahod ng kanyang husband.

Maraming naiinggit kay Carol, akala yata ng mga kamote maganda ang magpautang ng bigas!

Pero marami rin ang natutuwa dahil sa pahulugan system ni Carol nakakatulong ito sa maliliit na empleado. Alam ng mga kuwago ng ORA MISMO ang hirap ng buhay, nagmahal ang mga bilihin kaya naman natutuwa ang marami sa ginagawa ni Carol kasama siyempre ang ilang miyembro ng NAIA Press Corps Inc. porke kasama rin sila sa nasisingil ng ale. He-he-he!

Ang alam lang ni Carol ay asawa niya si Bong, isang Airport police officer kaya walang gaanong nambabalasubas sa una. Sabi nga, iyong nagpapalusot!

Pinalalabas sa white paper na ang pitsang galing sa pahulugan ay para sa intelihensiya ni Kapitan Sanchez at siyempre si Carol ang inaakusahang kolektor ng kanyang waswit.

"Kagaguhan ang kuwento ng mga kamote!" sabi ng kuwagong kurap.

"Sinisiraan nila ang tao porke sagabal ito sa kanilang operasyon," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Hindi lang ngayon tinira si Bong ng mga gago sa airport, pinakasuhan pa ito kaya lang dismiss lahat ang case," sabi ng kuwagong Kotong cop.

"Basta nasa tama ka Bong, nasa likod mo ang mga kuwago ng ORA MISMO at members ng NAIA Press Corps. Inc."

vuukle comment

AIRPORT

AIRPORT POLICE FORCE

AIRPORT SECURITY CENTER

BONG

CAROL

LANG

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with