At sa panibagong buhay na kanilang nakamtan dahilan sa kanilang pagbabalik-loob sa Diyos, ang aming dalangin para sa kanila ay ang panalangin ni Jesus para sa kanyang mga alagad na ibinibigay sa Ebanghelyo para sa araw na ito (Jn.17:11-19).
Tumingin si Jesus sa langit at nanalangin, "At ngayon, akoy papunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila. Amang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, pangalang ibinigay mo sa akin, upang silay maging isa, kung paanong tayoy iisa. Habang kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalang ibinigay mo sa akin. Inalagaan ko sila at ni isay walang napahamak, liban sa taong humanap ng kanyang kapahamakan, upang matupad ang Kasulatan. Ngunit ngayon, akoy papunta na sa iyo; at sinasabi ko ito habang akoy nasa sanlibutan upang mapuspos sila ng aking kagalakan. Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita; at kinapootan sila ng sanlibutan, sapagkat hindi na sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Hindi ko idinadalanging alisin mo sila sa sanlibutan, kundi iligtas sila sa Masama! Hindi sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita moy katotohanan. Kung paanong sinugo mo ako sa sanlibutan, gayon din naman, sinusugo ko sila sa sanlibutan. At alang-alang sa kanilay itinalaga ko ang aking sarili, upang maitalaga rin sila sa pamamagitan ng katotohanan."
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa mga naglingkod upang maganap ang naturang seminar: Sa mga staff na sina Reniel Aquino, Sanny Tuazon, Willy Manaog, Lito Magat at Tess Ramiro; sa mga support staff na sina Margie Roldan, Jun Iglesia, Anty de Guzman at JR "Cooler" Barantes; kina Olive San Pablo at kanyang mga kasamahan sa Base Group ng Quezon, Quezon, at higit sa lahat ay kay Fr. Jing Caparros na nagpaunlak sa aming samahang AKKAPKA-CANV na magmisa at magpakumpisal sa mga kalahok ng seminar.
Dalangin ko rin na patuloy na maisabuhay ng mga kapapagtapos pa lamang sa seminar ang diwa ng Alay-Dangal at magampanan nilang isulong ang pagkilos hinggil sa mga isyung pang-kapayapaan at pang-katarungan.