^

PSN Opinyon

Panalangin ni Jesus

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
NOONG nakaraang Linggo, ipinagdiwang natin ang Ascension o Pag-akyat sa langit ni Jesus na araw din ng pagtatapos ng aming unang seminar ng Alay-Dangal sa Quezon, Quezon. At sa naturang seminar, nakita ng mga kalahok na mula sa Quezon, Quezon at sa Perez, Quezon kung gaano sila kahalaga sa mata ng Diyos, sa kabila ng kanilang mga personal na karahasan at mga pagkukulang sa Diyos at sa kapwa.

At sa panibagong buhay na kanilang nakamtan dahilan sa kanilang pagbabalik-loob sa Diyos, ang aming dalangin para sa kanila ay ang panalangin ni Jesus para sa kanyang mga alagad na ibinibigay sa Ebanghelyo para sa araw na ito (Jn.17:11-19).

Tumingin si Jesus sa langit at nanalangin, "At ngayon, ako’y papunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila. Amang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, pangalang ibinigay mo sa akin, upang sila’y maging isa, kung paanong tayo’y iisa. Habang kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalang ibinigay mo sa akin. Inalagaan ko sila at ni isa’y walang napahamak, liban sa taong humanap ng kanyang kapahamakan, upang matupad ang Kasulatan. Ngunit ngayon, ako’y papunta na sa iyo; at sinasabi ko ito habang ako’y nasa sanlibutan upang mapuspos sila ng aking kagalakan. Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita; at kinapootan sila ng sanlibutan, sapagkat hindi na sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Hindi ko idinadalanging alisin mo sila sa sanlibutan, kundi iligtas sila sa Masama! Hindi sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo’y katotohanan. Kung paanong sinugo mo ako sa sanlibutan, gayon din naman, sinusugo ko sila sa sanlibutan. At alang-alang sa kanila’y itinalaga ko ang aking sarili, upang maitalaga rin sila sa pamamagitan ng katotohanan."


Taos-puso kaming nagpapasalamat sa mga naglingkod upang maganap ang naturang seminar: Sa mga staff na sina Reniel Aquino, Sanny Tuazon, Willy Manaog, Lito Magat at Tess Ramiro; sa mga support staff na sina Margie Roldan, Jun Iglesia, Anty de Guzman at JR "Cooler" Barantes; kina Olive San Pablo at kanyang mga kasamahan sa Base Group ng Quezon, Quezon, at higit sa lahat ay kay Fr. Jing Caparros na nagpaunlak sa aming samahang AKKAPKA-CANV na magmisa at magpakumpisal sa mga kalahok ng seminar.

Dalangin ko rin na patuloy na maisabuhay ng mga kapapagtapos pa lamang sa seminar ang diwa ng Alay-Dangal at magampanan nilang isulong ang pagkilos hinggil sa mga isyung pang-kapayapaan at pang-katarungan.

ALAY-DANGAL

BASE GROUP

DIYOS

JING CAPARROS

JUN IGLESIA

LITO MAGAT

MARGIE ROLDAN

QUEZON

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with