Ang pagpapawis ay normal na nangyayari sa katawan. Mahalaga ito para ma-regulate ang temperature sa katawan. Pero ang labis na pagpapawis ay indikasyon na maaaring may medical problem. Ang labis na pagpapawis ay nagiging dahilan para mawala ang maraming asin sa katawan na nauuwi sa dehydration. Kapag na-dehydrate ipinapayo ang pagmi-mix ng walong kutsarita ng asukal at isang kutsatritang asin sa isang litrong tubig at inumin.
Hindi malaman ng mga doktor kung bakit may mga taong sobra kung pagpawisan pero naniniwala sila na ito ay namamana. Palatandaan ng sakit ang labis na pagpapawis. Isa ito sa symptoms ng overactive thyroid gland kung saan nag-iincrease ang metabolic rate ng katawan. Ang metabolic rate ay ang bilis nang pagsunog ng pagkain at oxygen para makapagbigay ng energy. Sintomas din nang labis na pagpapawis ang mabilis na tibok ng pulso, labis na pagbaba ng timbang, pagka-iritable at ang pag-increased ng appetite.
Ganoon pa man, ang mga practitioners ng natural medicine ay naniniwalang ang pagpapawis ay nakatutulong para maalis ang toxins sa katawan.
Ipinapayo sa mga moderately active adults ang pag-inom ng tatlog pints ng tubig sa isang araw para mabawi ang nawalang fluid. Sa mga athletes at sobrang aktibong tao, ipinapayo na uminom nang maraming tubig sa bawat oras ng kanilang activity. Sa mga may fever, uminom nang maraming-marami at sobra-sobrang tubig.