Siyasatin ang Duty Free "scam"
May 7, 2005 | 12:00am
ISANG US$2.6 mililion scam ang kinakaharap ng Duty Free Philippines (DFP). Ang problema, hindi makita ang ibang mga ebidensya tulad ng sinasabing maanomalyang kontrata na malamang iniingatan daw ng DFP General Manager na si Michael Christian Kho, anang ating impormante.
Ito ay tungkol sa pagpasok ng DFP sa isang P160-milyong ($2.6-m) kontrata sa CNN-Asia at Time and Fortune Magazine para sa isang promotional blitz sa pamamagitan ng international broadcast at publication. Hindi raw nagdaan sa public bidding ang negosasyon at isinagawa ng pa-sikreto. This looks like a questionable disbursement of funds ng DFP. Isa na namang possible big plunder case in the making na dapat masusing siyasatin at tukuyin ang mga taong dapat managot. Sino man sila, ano man ang mataas na posisyon nila.
Gumamit daw ng dummy company ang DFP para sa kinukuwestyong transaksyon. Ito ay ang Vision Works Inc. (VWI)na nagsilbing pinaka-agent kahit ang asset nito ay wala pang P1 milyon. Ibig sabihin, hindi kuwalipikadong pumasok sa multi-milyong transaksyon. Ang VWI ang siyang supplier ng tarpaulin canvass nung panahon ni dating Tourism Secretary Obet Pagdanganan.
Ang halagang nakasulat sa summary of broadcast spot-billing noong June 14-27, 2004 ay Php 2,302,360. Pero sa disbursement voucher No. 0402858 na may petsang June 1, 2004, ang naibayad ay Php 10,748,556 lang or a difference of Php 8 million. The May 31, 2004 sales invoice No. 635 -billing was paid June 1, 2004, a record period of 1 day!
Ayon sa ating impormante, sa inisyatibo ni USEC Armand Arreza, si dating Tourism Sec, Pagdanganan ay nagpalabas ng isang antedated na Tourism Administrative Order para makontrol ang kabang-yaman ng DFP. Hinihingi diumano ng mga concerned personnel ng DFP patawan ng preventive suspension si Kho para makapagsagawa ng malayang pagsisiyasat sa usaping ito. Dapat patunayan ni Mr. Kho na malinis ang kanyang kamay sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa isang malayang imbestigasyon para lumutang ang buong katotohanan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest