^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Isang paa ang nasa hukay

-
NGAYONG 2005, tatlong journalists na ang pinatay at apat ang nakaligtas sa tangkang asasinasyon. Mula 2003 hanggang sa kasalukuyan, 23 journalists na ang pinapatay. May kabuuang 66 na ang pinapatay na journalists mula nang maibalik ang demokrasya noong 1986. Pinakahuling biktima nang pag-atake sa mga journalists ay ang isang radio broadcaster sa Ilocos Sur. Pinagbabaril ang radio commentator na si Nestor Seguismundo noong Biyernes. Ang suspect umano ay ang police provincial director sa Ilocos Sur na nakilalang si Sr. Supt. Mario Subagan. Itinanggi naman ng police official ang bintang. Pawang sa tiyan ang tama ni Seguismundo. Ang mga sugat ay lumikha nang mga pangit na tahi animo’y alupihang gumagapang sa kanyang tiyan.

Ang tangkang pagpatay kay Seguismundo ay naganap ilang araw bago sumapit ang World Press Freedom Day noong Martes. Hindi pa natatagalan nang pagbabarilin hanggang sa mapatay si Marlene Esperat noong March 24, 2005 (Huwebes Santo). Binaril si Esperat sa loob mismo ng kanyang bahay at sa harap pa ng kanyang mga anak. Bumulagta si Esperat. Umagos ang dugo. Hanggang ngayon hindi pa nalulutas ang kaso. Si Esperat ay matapang na columnist ng Midland Review sa Sultan Kudarat.

Kabilang sa mga journalists na pinatay ngayong 2005 ay sina Edgar Damalerio, Edgar Amoro at Noel Vilalarante. Katulad ni Esperat, wala pa ring makitang liwanag kung kailan malulutas ang pagpatay sa kanila.

Hindi nakapagtataka kung ipahayag ng New York-based Committee to Protect Journalists (CPJ) na ang Pilipinas ang numero unong pinaka-delikadong lugar para sa mga mamamahayag. Sumusunod sa Pilipinas ang Iraq at sinundan ng Colombia, Bangladesh at Russia. Ang CPJ ay non-partisan at non-profit organization na dedicates para sa pagtatanggol ng mga journalists at kalayaan sa pamamahayag. Binatikos ng CPJ ang kawalang aksiyon ng gobyernong Arroyo sa mga pinapatay na journalists. Binatikos din ng Paris based Reporters Sans Frontieres (Reporters Without Borders) o RSF ang gobyerno dahil sa pagpapabaya sa walang patumanggang pagpatay sa mga journalists.

Sinabi naman ng Malacañang na masyadong eksaherado ang report. Gumagawa raw ng paraan ang gobyerno para maproteksiyunan ang mga journalists.

Mahirap namang paniwalaan ang sinabi ng Malacañang sapagkat hanggang ngayon wala pang napaparusahan dahil sa pagpatay sa mga journalists. Patuloy na gumagala ang mga suspects at naghihintay lamang marahil ng utos para may bariling journalists. Nasaan ang pangako ng gobyerno?

BINATIKOS

EDGAR AMORO

EDGAR DAMALERIO

ESPERAT

HUWEBES SANTO

ILOCOS SUR

JOURNALISTS

MALACA

MARIO SUBAGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with