"Saan galing ang yaman ni Archilles Yulo ng DOJ?"
May 4, 2005 | 12:00am
HINDI MATINAG ITONG SI ARCHILLES "ARCHIE" YULO, Supply Officer III ng Department of Justice mula sa kanyang pwesto. Si Yulo ang nasa likod ng kontrobersyal na pag-canvass ng 2.5 million pesos na Mitsubishi Canter Rosa na lumalabas na overpriced ng P200,000 batay na rin sa quotation na ibinigay ng Sales Manager mismo ng Union Motors sa Paco, Manila na si Wilson V. Sy.
Maliban dito si Yulo rin ang nag-canvass at umorder ng mga computers para sa DOJ mula sa pondong ibinigay ni Sen. Francisco Pangilinan na ayon kay Atty. Lourdes Lim, head ng Commission on Audit na nakatalaga sa DOJ, ay mataas kaysa sa actual market price nito. Bukod pa rito hindi raw lisensyado at pirated ang mga Windows na naka-install dito.
Isang kaibigan ni dating Sec. of Justice Merceditas Gutierrez at tahasang nagsabi sa akin na maaring hindi alam ni Sec. Gutierrez ang mga nangyayari. Maaring isinubo lang daw nitong si Yulo ang mga papeles upang pirmahan nitong si Sec. Gutierrez tungkol sa Canter Rosa na kumatok ng dalhin sa Baguio City.
Si Yulo ay isang government employee na nakatalaga sa DOJ. Napag-alaman ko na mayaman pala ang taong ito. Ang tawag daw dito ay "dollar man." Bakit kaya siya tinawag na "dollar man?" Nakasaad kaya sa kanyang mga Statement of Assets and Liabilities kung saan nanggagaling ang kanyang mga yaman? Ang kanyang mga dolyares? Imbestigahan natin mga kaibigan at pasabugin ang resulta.
Kinakalap ko lamang ang mga impormasyon at ebidensya na magpapatunay kung saan galing ang yaman nitong si Yulo. Baka naman tumama ito sa Lotto ng PCSO kaya maraming pera diumano itong si Yulo? Kung sakali ngang totoong tumama ito sa Lotto, kahit na tax free ang pera ng maibigay ito sa kanya, dapat nadeklara niya sa mga susunod na taon ang kanyang mga milyones sa BIR. He should have declared his true worth in the succeeding years after his winnings. Subject na yan sa taxes. Ano sa palagay mo Commissioner Willie Parayno?
Sec. Gonzalez, sa dami ng kontrobersya na hinaharap nitong si Yulo, dapat sibakin na yan sa pwesto. Ano pa ang inaantay mo dyan?
MATATANDAAN NA naisulat ko ng ilang ulit ang tungkol sa reklamo ng mga magsasaka mula sa Brgy Maguirig, Solana, Cagayan na humihingi ng tulong mula kay DOJ Sec. Raul Gonzalez.
Agad namang umaksyon si Sec. Gonzalez at tinawagan ang Governor ng Cagayan na si Ed Lara upang tulungan ang kanyang mga kababayan.
Nung Biyernes, April 29, 2005, lumuwas ng Manila si Gov. Lara upang makipagkita kay Sec. Gonzalez. Nag-usap sila sa isang breakfast meeting at pinag-usapan ang diumanong land grabbing case na inirereklamo ng mga magsasaka laban sa kay Atty. Victor Padilla.
"Governor Lara brought all the pertinent papers in relation to the land being tilled by the farmers in Barangay Maguirig, Solano, Cagayan. He personal vowed to help in the crusade to rid Cagayan province of a fake land titling syndicate who in cahoots with some officials of the Department of Environment and Natural Resources are able to put land titles to individuals which are actually government lands," pahayag ni Gonzalez.
Ang pakikipaglaban para sa lupa na sinasaka ng mga farmers mula sa Brgy Maguirig ay magmula pa nung dekada 70. Hindi madali ang laban na kanilang ginagawa. Maaring tumagal ito ng ilang taon subalit handa silang ipaglaban ang lupa dahil ito ang kanilang kinabubuhay.
"These farmers should be helped. They should not be discouraged and the government should extend all legal assistance required so prevent them from being swayed to join the New Peoples Army," ayon kay Governor Lara.
Nang makapanayam ko si Sec. Gonzalez tungkol sa posibilidad na magkaroon ng "Nullification of Title" inamin sa akin ito ni Sec. Gonzalez na mahabang proseso ang kailangan. Hindi makukuha ito ng ilang araw, linggo o buwan lamang. Maari ngang tumagal ng taon ito bago mapunta sa mga magsasaka ang lupa na kanilang ikinabubuhay.
"The most important thing is that it has already been started. Even if it takes a while before this is finally resolved, at least the case is now moving. Kesa naman hindi kumikilos ang reklamo ng mga magsasaka," ayon kay Gonzalez.
Si Governor Lara ay nangako na bibigyan niya ng proteksyon ang mga magsasaka ng Maguirig upang masiguro na ligtas ang mga ito sa anumang banta sa kanilang buhay at para na rin mapanatag ang kanilang kalooban.
"The governor has assured me that he will personally see to it that the farmers are protected because they are afraid that something bad would happen in the course of their trying to seek assistance regarding the problem they are facing," ayon kay Gonzalez.
Matatandaan na ang lawak ng lupa na pinag-tatalunan dito sa isyung ito ay mahigit kumulang sa 375 hectares. Nagulat na lamang ang mga magsasaka ng Brgy Maguirig ng bigla na lamang pumasok si Atty. Victor Padilla at nagsabi na sa kanila raw ang lupa. Pinabakuran ng barbed-wire fence ang paligid ng lupa na kanilang sinasaka.
Matapos mag-usap nila Sec. Raul Gonzalez at ni Gov. Lara agad bumalik itong si Governor sa Cagayan.
Isang malapit na kaibigan ni Atty. Victor Padilla ang nakipagkita sa akin upang pag-usapan ang mga issue na naglalabasan laban kay Atty. Padilla.
Binanggit ng taong ito na baka naman ang mga magsasakang ito ay hindi talaga taga-Maguirig. Ipinaliwanag ko sa kanya na merong mga katibayan ang mga magsasaka na mula pa nung dekada 70 nandun na sila at sinasaka ang lupa sa Brgy Maguirig.
"There could be a possibility that these farmers are not really the rightful persons who have been tilling the soil in that area. Tony, there are a lot of NPAs in that area. Kung totoo ngang inaapi ang mga magsasakang yan, hindi papayag ang mga NPA. Kikilos sila upang ipagtanggol ang mga ito," ayon pa sa kausap ko.
Binuksan muli ang issue na si Atty. Padilla ay biktima lamang ng isang "demolition job" upang sirain ang kanyang pangalan at ng kanyang pamilya.
Minsan pa nais kong linawin na ang mga magsasakang ito ay tumawag sa akin upang iparating ang kanilang hinaing. Nakipagkita ako sa kanila na kararating lamang mula sa Solana, Cagayan.
Bitbit pa ng ilang babae ang kanilang mga musmos na sanggol na pumunta sila kay Sec. Raul Gonzalez. Kung meron mang "demolition job" na isinasagawa laban kay Atty. Victor Padilla, hindi ko alam ito. This is a matter that has to be addressed in the proper forum when the right time comes. Sa halip na sabihin na biktima siya ng "demolition job" na itinuturo niya na isang Filipino-Chinese businessman ang nasa likod, maganda sigurong sagutin niya ng deretsahan ang mga akusasyon ng mga farmers na inirereklamo siya.
Totoo bang ipinakulong niya ang mag-amang Jose at Rogelio Malana? Inakusahan diumano sila ng caretaker ni Victor Padilla na si Mario Pagulayan ng Illegal Logging at nilabasan ng Warrant of Arrest. Hinuli ng mga pulis Solana at itinapon sa selda na kasama ang mga kriminal. Ito raw ang bunsod ng hindi nila pagpayag na pumirma ng kasunduan na gustong ipapirma sa kanila nitong abogadong si Padilla. Ito ang sagutin mo Atty. Victor Padilla.
Paulit-ulit kong sinasabi na bukas ang "CALVENTO FILES" kung gusto mong linawin ito at ibigay ang iyong panig.
Ipinarating ko rin ito sa iyong kababayan at kaibigan na si Regional Director Edmund Arugay ng NBI at pati na rin kay Atty. Sylvestre Bello III dating DOJ Secretary at Solicitor General ng kami ay mag-usap.
PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAAARI KAYONG MAGTEXT SA 09213263166. MAAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest