Ayon sa aking bubuwit, belated happy birthday kay Mayor Hermie Dolor ng Bauan, Batangas; Marx Macalma, Marx Angelo Urbano, Teng Bugayong ng Metrobank; at Col. Villamor "Boomy" Bumanglag.
Ayon sa aking bubuwit, ang nasabing nurse na misis ng nasabing police officer ang breadwinner ngayon ng kanilang pamilya habang sila ay nasa New York City.
Simula kasi nang tumakas sa Pilipinas ang nasabing police officer matapos madawit sa isang kaso ay nagtago sila sa US.
Sila ay nagtrabaho roon pero hindi sila kaagad nakahanap ng magandang trabaho.
At upang makakuha ng magandang trabaho at makakuha ng hanapbuhay na malaki ang suweldo, ang police officer ay nag-aral sa isang nursing school.
Ito ay tumatanggap ng kahit anong klaseng trabaho at isiningit ang kanyang pag-aaral.
Matalino ang nasabing police officer na graduate ng Philippine Military Academy kaya nabigyan pa ito ng scholarship.
Ayon sa aking bubuwit, maraming Pinoy ang naawa sa nasabing police officer sapagkat kung pumapasok sa kanilang klase ay nagbabaon pa ng kanin at ulam.
Kung hindi karne norte ang baon nito ay adobo na nakapatong sa kanin na nakalagay sa tupperware.
Subalit sa kabila ng ganitong sitwasyon ng nasabing police officer, kahit hindi nakakapag-aral, siya pa rin ang nag-top sa kanilang klase.
Kaya lang ay pansamantalang natigil ang kanyang scholarship nang matuklasang may criminal case pala siya sa Pilipinas. Sangkot pala siya sa pagpatay kay PR man Bubby Dacer at driver na si Emmanuel Corbito.
Siya ay ang misis ni Col. Michael Ray Aquino.