^

PSN Opinyon

Ningas cogon lang

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
BAGO na naman ang pakulo ng DILG imbes sa jueteng tumutok nang husto sa mga commemorative plates at special plates ng mga tsikot umiikot.

Totoong pro-poor ang special plates o commemorative plates na ipinagbibili ng isang association group sa kani-kanilang mga members at friends dahil mahal toits at dehins biro ang halaga.

Ang mga commemorative plates ay may expiration. Alam ito ng mga taga-traffic sectors lalo na ang LTO.

Ginamit ang commemorative plates sa fund-raising ng isang association kaya ikinukuha ito ng permiso kay Pontius Pilate, este mali, LTO pala.

Ang isang commemorative plate ay ibinebenta ng dehins bababa sa P1,500 kumporme ito sa pinag-usapan ng association.

Pero ang nasabing mga plaka ay hindi exempted sa color-coding gaya ng sinasabi ng ilang kamote.

Hindi rin ginagamit sa kalokohan ang mga nasabing plaka at kung nagamit man ay isolated cases toits.

Hindi puwedeng takpan ng commemorative plates ang likuran at harapang plate number ng isang tsikot.

Sabi nga, bawal toits!

Ang dapat ipagbawal ng DILG at ng LGUs ay ang mga sasakyang may mga blinker lights at serena na animo’y mga ambulansiya o police patrol cars.

Bawal ito sa batas ng Pinas.

Dahil piling-pili lamang ang mga taong dapat gumamit ng serena at blinkers sa mga private cars.

Sasakyan lamang ng Prez ng Pinas, Vice-Prez, Chief Justice, Speaker of the House, Senate Prez, ambulansiya, fire trucks, police and military patrol cars lamang.

Ang mga private cars tulad ng mga sasakyan ng mga pulitiko, Cabinet secretaries, director sa pelikula, este mali, gobyerno pala, etcetera ay dehins puwedeng gumamit ng mga serena at blinkers.

Ito ang dapat hulihin!

Ang mga sasakyang ito ang bandido sa EDSA at iba pang pangunahing lansangan kasi sila ang nagpapagulo sa traffic.

Itinataboy ang mga sasakyan na halos hindi na makausad sa traffic porke dumadaan ang mga kamoteng abusado sa kalye.

"Bakit iba na naman ang pumasok sa isip ng DILG sa LGUs, gusto nilang ipabira ang mga commemorative at special plates?" tanong ng kuwagong tanga.

"Walang maisip na ibang dahilan porke ang iba sa mga LGUs sa Metro Manila at ang DILG ay naiipit sa sugal," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Ibang issue ang dapat isipin para hindi mapansin ang jueteng at video karera sa kanilang mga hurisdiksyon," anang kuwagong Kotong cop.

"May expiration ang mga commemorative at special plates kung paso na ito saka hulihin hanggang dehins pa huwag pansinin porke binayaran ito sa LTO."

"Ano ang dapat gawin?"

"Iyan ang itanong mo sa mga pa-bright-bright na kamote."

CHIEF JUSTICE

COMMEMORATIVE

METRO MANILA

PLATES

PONTIUS PILATE

SENATE PREZ

SPEAKER OF THE HOUSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with