Masaya ang buwan ng Mayo
May 1, 2005 | 12:00am
SINASABI na isa sa pinakamasayang buwan sa kalendaryo ay ang buwan ng Mayo. Maraming mga pista, pagdiriwang, eskursyon, sayawan at palaro ang ginaganap tuwing "Merry month of May".
Bakasyon grande ang mga may-kaya sa mga tourist spots gaya ng Boracay, Dakak, Negros, Palawan, Mindoro at iba pang mamahaling resorts sa bansa. Puspusan ang advertising campaign ng department of tourism para mahikayat ang mas maraming turista, lalo na ang mga banyaga at nagbabalik-bayan.
Bukod sa swimming at scuba diving, uso na rin ngayon ang mountain climbing at paborito nilang akyatin ay ang mga kabundukan ng Banahaw, Apo, Mayon Volcano at matatarik na bundok sa Bohol at Leyte.
Kapag Mayo ay maraming bayan ang nagdiriwang ng kanilang fiesta. Dinarayo ang Obando, Bulacan lalo na ng mga childless couples na nagsasayaw habang ipinuprusisyon si Santa Clara para pagkalooban sila ng anak. Mayo 17 ang Kapistahan sa Obando. Mula kaninang hatinggabi hanggang sa magbukang-liwayway ay marami ang nag-walkathon patungo sa Antipolo para magpugay sa Nuestra Señora de Buenviaje. Marami ring pistahan ang ginaganap sa Laguna, Batangas, Quezon at iba pang bayan sa Luzon. Maraming naghahanda ng litson at masasarap na ulam gayundin ng mga sariwang prutas at mga kakanin gaya ng puto, kutsinta, halaya at iba pa.
Ang buwan ng Mayo ay buwan din ng mga bulaklak kung saan namumukadkad ang mga rosas at iba pang humahalimuyak na bulaklak. Mayo rin ginaganap ang mga Santakrusan ng magagandang dalaga ang mga sagala. Anupat ang Mayo ay buwan ng walang katapusang kasiyahan, isang paraan para makalimutan panandali at maibsan ang mabibigat na problema sa buhay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended