More Virgin to satisfy you
April 30, 2005 | 12:00am
SARIWANG-SARIWA pa sa gunita natin nang ang simbahan, mga militanteng sektor at iba pang may konserbatibong pag-iisip ay nagsipag-aklas sa galit dahil sa isang advertisement ng brandy.
Tumambad sa telebisyon, pahayagan at malalaking billboards ang slogan ng Napoleon brandy na "Nakatikim ka na ba ng quince años? Maraming manong at manang ang nagpuyos sa galit at nagprotesta sa daan. Yung ibay nagkusa pang sirain ang mga billboards. Walang nagawa ang manufacturer ng brandy kundi i-pullout ang naturang advertisement at palitan ng ibang slogan.
Ang ibig sabihin ng kinse anyos ay labing-limang taong pinatanda ang naturang alak para lalong sumarap. Pero dahil sa sexual undertone nito, marami ang na-offend. Hindi pa nagtatagal ang pangyayaring iyan.
Ngayon ay heto na naman. May bagong produktong inumin na kung tawagin ay "Virgin." May cola, orange, lemon-lime at kung anu-ano pang flavor. As expected, may nag-react sa commercial nito. Binatikos ni Akbayan Rep. Loretta Ann Rosales dahil aniyay insulto sa mga kababaihan.
Ayaw namang magsalita ni Rep. Liza Masa ng Gabriela Party List dahil talaga lang daw naghihintay batikusin ang advertisement para makilala dahil wala pa raw pangalan. Umm, puwede ngang strategy ito ano? Publicity, good or bad is advantageous.
Pagbukas ko ng pahayagan nung isang araw, tumambad sa aking mata ang full-page ads na ang nakabanderang slogan ay "More Virgin to Satisfy You." Palagay ko kahit yung hindi nag-aral ay agad masasakyan ang ikalawang kahulugan nito.
Medyo bukas ang kaisipan ko pagdating sa mga creative slogans dahil nag-aral din ako ng advertising. Pero para ko nang nakikinita ang pag-alma ng mga manong at manang sa anunsyong ito lalo pat nagdudumilat na sa mga billboards sa lansangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest