Oh, jueteng
April 26, 2005 | 12:00am
PARANG bulkang puputok ang tuktok ng Noypi matapos mabalitaan na talamak ang operasyon ng dayaan, bolahan sa Pinas.
Ang pinagtatakhan ng mga kuwago ng ORA MISMO, bakit ngayon lang sila nag-aalburoto samantala matagal na ang dayaan bolahan at hindi naman huminto mula nang makulong si Erap.
Tama ba mga kamote?
Mas lumalala ang dayaan bolahan sa probinsiya at maging sa Metro Manila porke ang pitsang tara galing sa mga gambling lords ay pang-PR ng ilang kurap sa gobyerno.
For your information, hindi lang sa Pinas ang dayaan bolahan maging sa Hong Kong at Gitnang Silangan ay may kubransa ang mga bugok.
Maniniwala ba si Juan dela Cruz na dehins kilala ng mga awtoridad sa kani-kanilang jurisdiction ang mga gambling lords?
Mission este mali impossible pala!
Bago maglagay ng isang illegal sa isang lugar, alam toits ng mga kurap sa paglaladlarang puwesto dahil sigurado kasama sila sa intelligence este mali intelihensiya pala.
Nang magpunta ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa Puerto Princesa nagtaka ako porke alaws palang dayaan bolahan sa probinsiya kaya naman nagtanong ako kay Mayor Edward Hagedorn tungkol sa sugalan.
Ang sabi ni Edward, siya ang dating gambling lord sa probinsiya pero nang magbalik-loob siya sa Diyos at pinasok ang pulitika ay siya mismo ang nagpatigil sa kanyang sarili. Sabi nga, itapon ang tukso at yakapin ang tama.
Mahal ni Edward ang mga taga-Puerto kaya siya mismo ang nagpaalis ng bisyo todits.
Binigyan niya ng hanapbuhay ang mga kubrador na nawalan ng hotraba dahil sa sugal.
Hayun ang mga nabigyan ng hotraba ni Edward ay masaya sa kanilang legal na ginagawa.
Si Prez Erap, todits sa isyu ng dayaan bolahan nakulong kaya up to now under house arrest ang bida habang binibistahan pa.
"Dehins puwedeng magtayo ng kahit na anong illegal na palaro sa isang lugar nang walang alam ang LGUs" sabi ng kuwagong manunuhol.
"Paano ang PNP mukhang walang alam sa isyu?" anang kuwagong Kotong cop.
"Naku ha gusto nilang magpatawa," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Ano kaya ang maganda para matapos na ang usapan sa dayaan bolahan?"
"Kausapin nang masinsinan ang mga nakapatong at ikulong ang mga gago."
"Diyan korek ka, kamote."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended