Sa kaso ng mga condominium ng ECE Realty Development Inc., particular sa Central Park Condominium, iniiwan na namin sa publiko ang paghuhusga.
Kami mismo ay nakaranas sa kapabayaan at kalbaryong dinaranas ng mga unit owner ng ilang condominium ni Emilio Ching.
Ngunit hindi lamang ang mga condominium ni Ching ang nakita naming may problema. Maging ang pamunuan ng ECE Realty Development Inc.
Tiyempong nakausap namin si Ching sa telepono at hiningang paliwanag ukol sa mga problemang inirereklamo ng mga unit owners.
Sa tuwing maiipit sa tanong, ginagawang sangkalan nitong si Ching ang kanyang karamdaman.
Bastos din at hindi marunong makiharap sa tao ang ilang empleyado ng ECE Realty Development Inc., dahil noong dalawin namin ang kanilang tanggapan sa Park Avenue, nakapagtatakang pinagpasa-pasahan ang aming grupo.
Iyon pala ang kanilang delaying tactic para makapagtago yung taong hinahanap namin sa kanilang Administration Office.
Ang resulta, naipit at nahulog sa BITAG ang mga kawawang empleyadong naiwan.
Ayon sa ilang empleyado ni Ching, kumpleto naman daw sa requirements ang Central Park Condominium. Pasado daw sa City Engineering Office maging sa MWSS ang kanilang building. Kumpleto daw sila sa mga clearance.
Ngunit nalaman namin sa Housing Land Use Regulatory Board (HLURB) na sangkatutak na ang notice na ipinadala nila sa ECE dahil sa sari-saring paglabag.
Ito rin ang tanong na nagpatiklop kay Ching at ilan niyang mga tauhan. Ng aming tanungin kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila sinusunod ang ipinag-uutos ng HLURB, walang maibigay na sagot ang mga ito at isa-isa ng nagturuan kung sino ang nakakaalam.
Simple ang sagot ni Ching sa tanong na ito, "ayaw ng mga unit owners e "