Purihin (uli) si Gloria!
April 25, 2005 | 12:00am
MAYROON tayong texter at umaayon siya sa nauna nating "papuri" kay Presidente Arroyo nung Huwebes sa kolum na ito. Aniya: "Tama si G. Al G. Pedroche. Purihin na lang natin sa PGMA kasi wala namang konsensiya iyan sa lahat ng problema ng bansa." Salamat sa pagsang-ayon mo Mr. o Ms. "name withheld". Pero asar ako sa iyo dahil sinabi mong "walang konsensiya" ang mahal na Pangulo.
Dapat mong malaman ang malaking sakripisyong ginagawa niya para malutas ang walang tigil na paglobo ng populasyon. So, Mrs. President Arroyo has a conscience. Hindi katulad ng sinasabi mong wala siyang budhi at damdamin sa tao. Sa totoo lang, nangangamba siya sa di mapigil na paglobo ng populasyon.
As a result, mayroon na siyang inilatag na economic reform program gaya ng sinabi ni Presidential spokesman Toting Bunye. Isang programang walang implementasyon. Iyan nga ang "pinuri" natin sa ating kolum nung Huwebes. Binabatikos ng marami ang kawalang implementasyon ng programa. Obviously, hindi nakikita ng tao ang kagandahan at wisdom nito.
Dahil hindi nga naipatutupad ang programang pangrepormang ito, hindi makontrol ang pagtaas sa halaga ng petrolyo kasunod ng pagtaas din sa halaga ng mga pangunahing bilihin. Dahil diyan, bagsak ang mga negosyo at hindi mapasahod nang sapat ang mga tao.
Hindi rin maipagkaloob ang tamang serbisyong pangkalusugan sa taumbayan. Hindi mapuksa ang malaganap na kriminalidad. Laganap ang patayan. Gumagrabe ang polusyon ng hangin. Marami ang namamatay sa cancer dahil diyan. Marami rin ang namamatay sa gutom.
O, hindi ba mainam iyan para mabawas-bawasan ang ating populasyon na ngayoy umabot na yata sa 90 milyong tao? Tama na ang kababatikos sa Pangulo. Darating ang araw, I assure you, wala nang mahirap na Pilipino. Puro mayayaman na lang. Kasi yung mga mahirap na di na ma-afford ang pagkain at gamot ay mamamatay na. O, di ba napakaganda niyan? Ang Pilipinas ay magiging bansa ng mga puro mayayaman! Purihin na lang natin ang Pangulo at tingnan ang brighter side of the issue, di ba?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended