Papatayin ng tabak ang mga mang-aapi kay Swanie !
April 24, 2005 | 12:00am
NAPAKALINAW ng sinasabi ng Diyos sa Exodus 22, 23 at 24 ng Bibliya hinggil sa mga babaing balo, tulad ni Susan Roces.
Eto ang sabi Niya: "Huwag ninyong pahihirapan ang sinumang babaing balo o batang ulila. Kung iyong pahihirapan sila sa anumang paraan, at dumaing sa akin, tiyak na aking diringgin ang kanilang daing. Ang aking poot ay mag-aalab, at papatayin ko kayo ng tabak, at ang iyong mga asawa ay magiging mga balo, at ang iyong mga anak ay magiging mga ulila."
Kaya kayo diyan na mga nagmimistulang pitbull kung gumiri laban kay Susan Roces, maghunos-dili kayo baka ma-dedo kayo sa pamamagitan ng tabak. Dapat sa inyo ay gawaran ng "SUPOT" award, as in "Service Unacceptable to Public Opinion and Trust".
Sa kabilang dako, bigyan natin ng "SAPAT" award, as in "Service Acceptable to Public Acclaim and Trust si Kalihim Gabby Claudio dahil ipinagtatanggol niya si Swanie. Aniya, "Susan Roces emotional outburst is understandable". Si Gabby ay Presidential Adviser ni PGMA on legislative affairs. Maliwanag sa akin na si PGMA ang nag-utos kay Gabby na gumawa ng ganitong pahayag. Si Gabby ang napayuhan ni Pangulo, hindi vice-versa.
Nagkita-kita kami nina Labor Secretary Pat Sto. Tomas noong Abril 21. Kasama ko ang aking mga kapwa Commissioner ng NLRC para batiin siya sa kanyang kaarawan.
Si Secretary Pat ay matagal ko nang kaibigan. Halos sabay kaming pumasok sa DOLE, may mga 30 taon na ang lumipas. Siya ay ulirang kawani ng gobyerno: very hardworking, extremely competent and honest.
Panay nga ang pagtatangka ng International Labor Organization (ILO) na i-pirate si Pat para manungkulan bilang labor expert, pero panay ang tanggi niya. Aniya, mas gusto niyang naglilingkod sa mga Pilipino kahit di gaanong kalakihan ang sahod kaysa maglingkod para sa mga ibang lahi kahit na dolyar pa ang pasahod. HAPPY BIRTHDAY, Pat! Ang aking birthday gift sa iyo ay isang dosenang SAPAT award!
Itong SUPOT at SAPAT award ay suhestiyon ni G. Nestor Oliver, na dating Pangulo ng United Filipino Organization sa Abu Dhabi, UAE. Mahusay at matulungin na lider si Nestor. Paminsan-minsan lang ay malikot mag-isip, tulad nitong SUPOT at SAPAT award na naisip niya.
Pero marami ang natutuwa rito. Tulad halimbawa ni Engr. Nick Solano, na ngayon ay base na sa Australia na nag-email sa akin. Nakakatanggap din ako ng e-mail mula kay G. Mike Jamisola, na dating Senior Reporter ng Emirates News sa UAE, gayundin kay OFW Amor Fernandez na ngayon ay isang big time businessman na sa Las Piñas. Ipagpatuloy ko raw ang SAPAT at SUPOT award dahil, maliban sa nakakatuwa, ito ay magsisilbing panggising sa mga kawaning tatamad-tamad at mag-e-encourage naman doon sa mga gumagawa ng tama.
Para sa inyong reaksyon, mag-email sa royseñ[email protected].
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended