DAHIL mahal ang gamot, marami ngayon ang nagkakasya sa tinatawag na alternative medicine. Malaki ang ginagampanan ng herbal plants gaya ng bawang. Mula pa sa mga panahon ng ating mga ninuno ay gamit na ang bawang bilang lunas sa maraming karamdaman, lalo na sa mga may sakit sa puso. Ayon sa mga medical experts sa Amerika, taglay ng bawang ang galium derivatives na nakakatulong sa pagmamantini na tinatawag na optimal cardiac function.
Masarap ang saging. Bukod sa potassium, taglay din ng saging ang Vitamin B6 na nagpapalakas sa puso at laban sa bad cholesterol. Tinaguriang "brain food" ang saging.
Sa mga nahihirapang umihi at mga diabetic, mabisang gamot ang banaba na lunas din sa mga sumasakit ang tiyan, nagtatae at may problema sa kidney. Ang banaba ay mayaman sa calcium, protein, potassium at magnesium.