^

PSN Opinyon

Noypi nabilog muli ang head

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
BINAWIAN ng buhay si Editha Gonzaga Arias, 84, noong Abril 18, 2005.

Ang labi ni Editha ay nakahimlay sa kanilang bahay sa 91 Zone 11, Barangay Capalaran, Iloilo City. Sa Abril 28 ang kanyang libing sa nasabing probinsiya.

Ang isyu, napakamot ng ulo ang ating mga kababayan nang sabihin ng gobyerno na pag-aaralan para maitaas ang sahod ng mga empleyado sa Pinas.

Parang jet kasing bumulusok ang halaga ng gasolina sa mga pamilihan noong Saturday at dehins lam-a daw ito ng Department of Energy.

Ano ang silbi ng DOE kung tutulug-tulog sila sa trabaho?

Pinakamaganda siguro kung buwagin na lang ito porke wala naman itong naitulong sa Noypi.

Nabukulan este naunahan sila ng mga oil companies sa pagdedeklara ng bagong price ng gasoline.

Wala nang tigil ang pagtaas nito!

Baka hindi abutin ang 2006, P60 per liter na ang price ng premium gasoline sa merkado.

Sana huwag namang mangyari ito porke kinakabahan ang mga kuwago ng ORA MISMO, na baka bumuwelta ang mga Noypi at magkaroon ng hindi magandang pangyayari.

Sa ngayon, alaws nagawa ang gobyerno sa biglaang pagtaas ng gasolina, nagulantang ang bayan sa pangyayari.

Sabi nga, parang walang pakialam ang gobyerno.

Siyempre sa mga pagtataas ng oil prices tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO na apektado ang lahat ng bilihin sa Pinas, partikular ang pagkain, tuition fees, gamot, tubig, etcetera.

Ano ba Prez Gloria Macapagal Arroyo, bakit nagkaganito ang administrasyon mo?

"Tuyot ang bulsa ng Noypi," anang kuwagong haliparot.

"Anong tulong na magagawa ng gobyerno sa mga ma-eerap ngayon?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Tiyak ang magpa-pogi."

"Diyan kamote palagay ko korek ka!"

ANO

BARANGAY CAPALARAN

DEPARTMENT OF ENERGY

EDITHA GONZAGA ARIAS

ILOILO CITY

NOYPI

PREZ GLORIA MACAPAGAL ARROYO

SA ABRIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with