Payo lang ng mga kuwago ng ORA MISMO, kina Philip at Jenny, sana huwag kumupas ang pagmamahal ninyong dalawa.
Si Philip nga pala ay anak nina Jose L. Co at Enriqueta T. Co samantalang si Jenny ay daughter nina Jose Fernando Li at Corazon C. Li.
To Philip and Jenny, congrats at best wishes galing ito sa puso ng mga kuwago ng ORA MISMO.
Before 11 p.m. noong Sunday nang kunin ni Lord si Jim dahil na-heart attack toits. Sa Sacred Heart Hospital sa Malolos, Bulacan binawian ng buhay si Jim. Ikinalulungkot ng mga kuwago ng ORA MISMO at maging ng mga miyembro ng NAIA Press Corps Inc., ang pangyayari.
Nasa Arlington funeral parlor sa Araneta Avenue, Quezon City, nakahimlay ang labi ni Jim pero alaws pang petsa kung kailan ililibing.
Si Jim ay beat reporter ng Malaya sa NAIA, columnist ng Bulacan Star, Customs Balita at broadcaster ng PBS news. Maraming tao ang natutuwa kay Jim noong nabubuhay pa dahil masayahin at mapagbiro ito. Madaling lapitan si Jim pero mahirap hanapin. He-he-he!
Madalas itong nakatawa kaya hindi malaman sa mukha nito kung ma problema siya o alaws.
Ngayong alaws na si Jim, lulungkot ang NAIA Press Office, hindi na magiging katulad nang dati.
Sa pamilya ni Jim, nakikiramay ang lahat ng mga kuwago ng ORA MISMO siyempre kasama ang mga miyembro ng NAIA Press Corps sa pangunguna nina President Loy Caliwan, Vice President at NPC Director Jerry Yap, Jojo Nadela, Jojo Sadiwa, ang hari ng linis tubo gang, Rex Ramones, Lolit Acosta, Omar Acosta, Jerry Tan, Itchie Cabayan, Rudy Genteroy, Willy Balasa, Ronniel de Guzman, Bong Karno, Ato Co, Jimmy Cheng, Gloria Galuno, Edwin Alcala, Nap Sanota, Danny Taguibao, Julie Fabroa, Boyet at Chris Heramis, mga staff ng Bulacan Star at Customs Balita.