^

PSN Opinyon

Hindi kami tutol sa pag-unlad…

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NOONG nakaraang Miyerkules ay nasaksihan ng BITAG at ilang taga-media ang ginawang pagpatay sa mga natitirang magulang at semilya ng Vannamei sa Bonoan, Pangasinan.

Hindi sa wala kaming tiwala sa pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ngunit nagtataka lamang kami kung bakit inabot pa ng ganoon katagal gayong may order na pala ito mula kay Agriculture Secretary Yap.

Nakapagtataka ring ibang hatchery ang pinagdalhan ng BFAR sa BITAG. Dahil ugali na namin ang maging pala-duda, naisip naming may mga nakatago pang hatchery ng ipinagbabawal na Vannamei…

Sigurista kami sa aming trabaho. Kaya’t bago pa man isagawa ang pag-aabort ng BFAR sa kanilang research, tumulak na patungong Pangasinan ang mga BITAG undercover kasama ang ‘untouchable’ naming asset na anak ng isang kilalang pulitiko sa Norte.

Alam naming malaking pulitika ang nasa likod ng sabwatang ito dahil malayang nababalewala ang Fisheries Administrative Order (FAO) 207 at nabibigyan ng Special Permit ang ilan nilang ‘business partners’ na pawang mga Taiwanese.

Ibig sabihin, kahit ipagbawal pa ang pagpasok ng Vannamei sa bansa at higit na pagtibayin ang FAO 207, mananatili pa ring bulok ang kanilang sistema.

Wala kaming personal na sama ng loob sa mga taong kasabwat sa sistemang ito. Hindi rin kami hadlang sa paglago ng ating ‘aquaculture’ dahil alam naming isa ito sa mga industriyang tiyak na magsasalba sa lumulubog na kalagayan ng bansa.

Nararapat lamang na ilagay ang lahat sa tamang proseso dahil sa nakikita namin, kasakiman ng ilang pulitiko ang umiiral.

Hindi kami tutol sa pagpasok ng Vannamei sa bansa ngunit kinakailangan muna itong dumaan sa tamang proseso…
* * *
Hotline number (0918) 9346417 / (0927) 8280973 o tumawag sa mga numero 932-53-10 at 932-89-19. Makinig sa DZME 1530 Khz, Monday-Friday, 9:00-10:00 A.M. At panoorin ang programang "Bahala si Tulfo" Monday-Friday, 9:00-10:30 a.m. sa UNTV 37.

AGRICULTURE SECRETARY YAP

ALAM

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

FISHERIES ADMINISTRATIVE ORDER

MONDAY-FRIDAY

PANGASINAN

SPECIAL PERMIT

VANNAMEI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with