^

PSN Opinyon

Migraine ng kababaihan at kanser sa bayag

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG madalas na pagkakaroon ng migraine ng mga babae ay malaking panganib para sila ma-stroke. Ito ang obserbasyon ng mga international doctors sa isang pagtitipong ginawa kamakailan. Napag-alaman na kapag malimit na magka-migraine ang babae ay lumalabo ang kanyang paningin at ito rin ang dahilan ng kanyang pagkahilo.

Ayon sa mga doktor, ang migraine ay maiiwasan kung may sapat na physical exercises, kumakain ng sariwang prutas at gulay lalo na ang mga green leafy vegetables at hindi maninigarilyo. Sa naturang international conference, napag-alaman din na ang paninigarilyo bukod sa ito’y mapanganib sa mga nagma-migraine ay malaki rin ang pinsala para magka-hika. Batay sa kanilang pananaliksik, may 4,000 substances ang usok ng sigarilyo at karamihan sa mga substances ay nakalalason sa kalusugan.
* * *
Mga kalalakihang umeedad ng 15 hanggang 24 ang kadalasang nagkakaroon ng kanser sa bayag o testicular cancer.

Hindi pa rin matukoy kung ano ang dahilan ng karamdamang ito pero dapat na parating suriin ang inyong mga "balls".

Kapag naliligo ay tingnang mabuti ang inyong bayag. Normal na ang iyong itlog ay mas malaki at mas mataas sa isa pero dapat na magkapareho ang timbang ng dalawang itlog. Kapag may nasalat na hard lump o parang bukol sa harap o sa paligid ng bayag at kapag nakakaranas ng sakit ay agad na pumunta sa doktor at magpasuri. Kasabihan na "early prevention is better than cure" kaya huwag ipagwalang-bahala kung may kakaibang nararamdaman ang inyong mga bayag.

AYON

BATAY

BAYAG

KAPAG

KASABIHAN

MIGRAINE

NAPAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with