May takdang pagtanggap
April 16, 2005 | 12:00am
MATAPOS ang usapan, ang tagapamahalang banko at si Fidel ay nagkasundo tungkol sa bilihan ng isang lupang may sukat na 3.3 hectares sa halagang P1,000.00 per square meter. Ngunit sa halip na cash ang bayaran, hiniling ni Fidel kung itoy maaaring hulugan. Bago pa man makapagpasya ang banko sa kahilingan niyang hulugan at nang malaman ni Fidel na tila hindi aaksyunan ng banko ang kanyang kahilingan, nagpunta na si Fidel sa banko upang bayaran ang buong presyo. Ngunit hindi na tinanggap ng banko ang bayad niya. Kaya dinemanda ni Fidel ang banko upang ipatupad ang kanilang kasunduan. Ayon kay Fidel, ganap at buo na raw ang kasunduan nilang ipagbili sa kanya ang lupa sa halagang P1,000 per square meter. Ang kahilingan daw niyang tingnan ng banko kung maaari niya itong bayaran ng hulugan ay hindi panibagong alok na makaaapekto sa nabuong kasunduan. Tama ba si Fidel?
MALI. Ang kasunduan tungkol sa paraan ng pagbabayad ay isang mahalagang bahaging pamuo ng kontratang bilihan. Hindi pa nagkakasundo ang partido tungkol sa paraan ng pagbabayad. Ang pagsang-ayon ni Fidel sa presyo ng banko ay may kondisyon na dapat sang-ayunan pa ng banko. Ang pagtatagpo ng isip ng magkabilang panig ay kailangang lubos at walang kondisyon. Sa madaling salita, ang pagtanggap tulad ng kay Fidel na humiling ng hulugang bayad ay hindi pa buo ang kontrata. Kayat ito ay hindi pa maipatutupad. (Limketkai vs. CA, G.R. 118509, March 29, 1996)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended