^

PSN Opinyon

Ang pangako ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
ILANG buwang tinutukan ng aming grupo ang aktibidades ng mga Taiwanese na nangangalaga ng ipinagbabawal na mapaminsalang vannamei sa Zambales.

Matatandaang sa panayam namin kay Agriculture Secretary Yap, nagpalabas na raw siya ng order upang ipinatigil ang kanilang isinasagawang research trial sa Bunoan, Pangasinan kung nasaan ang hatchery at mga semilya ng vannamei.

Nagtakda rin si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Sarmiento ng araw kung kailan isasagawa ang pagpatay sa mga natitira pang vannamei.

Inimbitahan niya na sumama raw ang BITAG sa iba pang mga media na kanilang inanyayahan upang saksihan ang gagawing pagpatay sa mga semilya at magulang na vannamei.

Nitong nakaraang Miyerkules, sa BFAR hatchery sa Bunoan, Pangasinan, isinagawa ang pagharvest sa mga magulang na vannamei.

Naroon din sa lugar ang ilang lokal na press at media, maging ang Tambuyog na inimbitahan ng BFAR.

Daang-daang nilutong vannamei ang pinagpiyestahan ng mga kapatid namin sa industriya habang abala naman ang aming grupo sa pagtutok sa pagpatay sa mga natitirang semilya.

Sa sarap ng tanghaliang inihain ng mga taga-BFAR, hindi na nagawa pa ng aming mga kapatid sa hanapbuhay ng tutukan ang aktibidades ng BFAR.

Maaaring naipatigil na ang experimental trial ng vannamei sa Pangasinan ngunit hindi tayo nakasisiguro sa pagkalat ng mapaminsalang vannamei.

Isa ang Fisheries Administrative Order (FAO) sa nakitang butas ng aming grupo. Gaano man kahigpit ang batas na ito, mananatili itong inutil kung patuloy na lulusot ang mga "special permit" na nanggagaling sa "itaas".

Alam din ng aming grupo na marami pa ang nakatagong palaisdaan na nangangalaga sa ipinagbabawal na vannamei.

Hindi dito natatapos ang aming imbestigasyon ng aming grupo dahil mananatili kaming nakatutok sa ilegal na pagpasok ng vannamei sa bansa.
* * *
BITAG hotline nos. 932-8919 / 932-5310 at mag-text sa 0918-9346417. Panoorin ang "BAHALA SI TULFO" l ive sa UNTV 37, Simulcast DZME 1530, Monday-Friday, 9:00-10:30 ng umaga. Manood tuwing Sabado, 9:00-10:00 p.m. IBC-13, "BITAG".

AGRICULTURE SECRETARY YAP

AMING

BUNOAN

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

DIRECTOR SARMIENTO

FISHERIES ADMINISTRATIVE ORDER

PANGASINAN

VANNAMEI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with