EDITORYAL - Ang VAT at ang talamak na corruption
April 13, 2005 | 12:00am
ALAM nyo bang pito sa bawat 10 Pinoy ay hindi alam kung ano ang value added tax (VAT)? Sampung porsiyento lamang ang tuwirang may knowledge kung ano ang VAT at 25 porsiyento naman ang nagsabing pamilyar sa revenue measure na ito subalit hindi sapat ang kanilang nalalaman. Ito ay ayon sa survey na ginawa ng Pulse Asia, Inc. noong March 3-16, 2005. Ibig lamang sabihin, marami ang walang kamuwang-muwang sa VAT at wala silang pakialam tungkol dito. Kaya kung maipapasa ang VAT, papasanin ng mamamayan ang krus na hindi nila alam kung paano napunta sa kanilang mga balikat. Isang dahilan marahil ito kung bakit tila malamig ang pangtanggap ng mamamayan sa VAT na ayon kay President Arroyo at kanyang mga opisyal ay makatutulong nang malaki sa binabalak niyang reporma.
Masama ang dating ng VAT sa taumbayan kaya kahit na anong gimik o pagpapaliwanag ng pamahalaan tungkol dito ay hindi makakuha ng simpatya. Ang nakatatak sa isipan ng mamamayan kapag nagpataw ng VAT, tataas ang bilihin. At totoo naman ito sapagkat saan kukunin ng manufacturer ang pondo sa kanilang produkto? Babawiin lamang nila ang kinaltas na VAT sa kanilang produkto. Itataas nila ang presyo ng kanilang paninda.
Lumabas din sa survey ng Pulse na matatanggap o malulunok lamang ng mga Pinoy ang VAT kung maipangangako ng gobyerno ang pagdurog sa corruption at kung mapuputol ang walang taros na paggastos ng mga opisyal sa maraming ahensiya ng pamahalaan. Kaya nilang lunukin ang mga iaatang na reporma ng gobyerno ukol sa buwis bastat ang mahalagay madurog ang mga corrupt at nang hindi na maghirap ang bansa.
Pero mahirap maisagawa ng pamahalaan ang pagdurog sa mga corrupt sapagkat walang political will ang namumuno. Lalo pang lumaganap ang corruption sa kasalukuyan at walang epektibong solusyon ang pamahalaan kung paano madudurog ang mga tiwali.
Durugin muna ang mga corrupt bago magpataw ng bagong buwis. Habulin ang mga tax evaders, pagbayarin at kasuhan. Kolektahin naman nang maayos ang mga hindi nasisingil na VAT ilang taon na ang nakalilipas. Hindi kailangang pahirapan ang mamamayan sa pagpapataw ng bagong buwis. Huwag ipataw sa kanilang balikat ang krus na hindi nila alam kung paano napunta sa nagsusugat nilang balikat.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am