Black propaganda vs PAIRTF ni Jaylo
April 12, 2005 | 12:00am
NGUMANGAWA ang ilang sindikato na may operasyon sa NAIA dahil dehins makalusot sa matatalas na mata ng mga bataan ni Director Rey Jaylo, bossing ng Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force ang mga biktima ng illegal recruitment.
Mabangis ang pangamoy ni Egay Castro at mga kaalyado niya sa PAIRTF para makilatis ang mga turistang nagkukunwaring mamamasyal sa Gitnang Silangan pero ang agenda ay magtrabaho.
Pero ang ganitong sistema ng PAIRTF ay tinitirya ng ilang airline companies kasi apektado sila sa ginagawang off-loading ng kanilang pasahero.
Bayad na nadisgrasya pa.
Ika nga, sauli taya, pitsa na nagiging bato pa! He-he-he!
May mandato si Jaylo galing kay Prez Gloria Macapagal Arroyo buwagin ang sindikato ng illegal recruitment.
Sa parte ni Egay, sinabi nito na hindi sila nakialam sa trabaho ng airline companies at maging sa hotraba ng Immigration ang pagrerebisa nila ng mga dokumento ay ginagawa nila ilang oras bago pumasok sa loob ng paliparan ang isang passenger.
Sa labas pa lang ng terminal sa may departure curbside bago pumasok ng airline counter ay sinisita nina Egay ang hinihinala nilang illegal worker na turista kuno.
Ibang klase ang inspection na ginagawa ng PAIRTF hinihimay nila nang husto.
Kung hindi man pasakayin ng PAIRTF ang isang passenger tiyak alam nila ang kakulangan nila sa una.
Lahat ng pasahero papuntang Gitnang Silangan na may legal na dokumento ay pinaalis ng PAIRTF samantala ang mga may spurious travel documents lamang ang dehins nila pinasasakay ng aircraft.
Ika nga, sa panaginip lang sila nakarating sa Middle East.
Sabi ni Jaylo, ang PAIRTF ay kaibigan ng mga biktima ng illegal recruiters ang nagagalit sa kanila ay mga gagong sindikato.
May 400 kamoteng tourist workers ang dehins nila pinayagan simula nang manungkulan ang mga taga-PAIRTF.
"Bakit mainit sila sa PAIRTF, parang gusto nila itong pabuwag?" anang kuwagong kulang sa pansin.
"Malaki kasi ang pitsa kapag illegal ang gawain," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Hindi biro ang pitsang pinag-uusapan sa isang biktima ng illegal recruitment," sabi ng kuwagong Kotong cop.
"Paano ngayong dehins sila makalusot?"
"Iyan ang problema nila, kamote!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended